Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinaka-mapagkakatiwalaang Q&A platform para sa lahat ng iyong pangangailangan. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga propesyonal. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa iba't ibang larangan sa aming platform.

Bilang isang kabataan, paano mo maipapaliwanag kung ano ang mas mahalaga o mas importante, upang maging matagumpay sa buhay, "DISKARTE o DIPLOMA"? ​

Sagot :

Diskarte o Diploma

Sabi nga nila, "DIPLOMA o DISKARTE."

DIPLOMA:

Para sa akin, parehong mahalaga ang diploma at diskarte. Kung may diploma ka, ibig sabihin may pinag-aralan ka. Ipinapakita nito na ginagamit mo ang isip mo upang makamit ang gusto mo. Halimbawa, sa exam, gumamit ka ng diskarte upang makapasa. Ang isang halimbawa ng diskarte dito ay ang paggamit ng mnemonics. Ang mnemonics ay isang paraan ng pag-alala ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga simpleng letra na may kahulugan. Halimbawa nito ay ang ROYGBIV para maalala ang pagkakasunod-sunod ng mga kulay sa bahaghari: red, orange, yellow, green, blue, indigo, at violet. Ibig sabihin, nagamit mo ang diskarte mo sa pag-aaral at nakapasa ka.

DISKARTE:

Kung may diskarte ka, marami kang magagawa. Iisipin mo kung paano ka makakapagtapos ng pag-aaral. Siyempre, didiskartehan mo ito gamit ang utak mo. Mag-iisip ka ng mga paraan upang makapagtapos. Halimbawa, kung talagang gusto mong maka-graduate, didiskartehan mo ito. Sa exam, kahit hindi ka matalino pero madiskarte ka, gagamit ka ng mga paraan tulad ng mnemonics upang makapasa. Kung alam mo na ang mnemonics, madali na lang para sa iyo. Kaya, sa pamamagitan ng diskarte, makakakuha ka ng diploma at magtatapos ka ng pag-aaral.

Isipin mo na lamang na hindi ka magkakaroon ng diploma kung wala kang diskarte. At hindi ka rin aangat o aasenso sa buhay kung wala kang diskarte. Pagkatapos mong magka-diploma, diskarte pa rin ang paiiralin mo para magtagumpay. Kaya para sa akin pareho silang mahalaga, ang Diskarte at Diploma.

Kaya sa pangkalahatan, kung madiskarte ka, magagawa mong makapagtapos ng pag-aaral. Ibig sabihin, kaya mong gumawa ng paraan para makuha ang diploma. Kapag may diploma ka na, bunga ito ng diskarte mo sa buhay. Gumamit ka ng diskarte para makapagtapos ng pag-aaral at patuloy kang gagamit ng diskarte para magtagumpay.

Nawa'y nakatulong!

DISKARTE O DIPLOMA

Kasagutan:

Bilang isang kabataan at pamimiliin ako sa dalawang termino, pipiliin ko ang diskarte. Bakit? Dahil ang diskarte ay hindi lamang nakabatay sa katalinuhan at kaalaman, kundi kung paano mo ito gagamitin ng maayos at may epektibo para makamit ang positibong solusyon sa bawat sitwasyon o problema. Halimbawa, kahit na nakapagtapos ka na ng pag-aaral at may hawak kang diploma, kung kulang ka naman sa kakayahan at abilidad sa pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha sa ibang tao, maaaring mahirapan kang makahanap ng trabaho at magtagumpay sa buhay. Ang diskarte ang nagbibigay sa atim ng oportunidad, stratehiya at tamang pagpapasya na nagsisilbing susi natin sa tagumpay.

Ngunit, hindi ko sinasabi na ang pag-aaral ay balewalain na lamang at dumiskarte na lang sa buhay kahit walang natapos. Mas maganda parin ang makahawak ng diploma. Ang pormal na edukasyon ay isang instrumento na magiging daan natin sa pag-unlad at pagkakaroon propesyonal na buhay. Gayunpaman, ang punto ko ay ang pagbibigay-halaga sa diskarte. Mas mapapalawak at madadagdagan ang ating kaalaman o kasanayan kapag isinabuhay natin ang diskarte, may diploma man o wala.

^^