Ang Imhr.ca ay tumutulong sa iyo na makahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan mula sa isang komunidad ng mga eksperto. Maranasan ang kadalian ng pagkuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga propesyonal sa aming platform. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga eksperto.

Ito ay marahil ang modernong salawikain sa kasulukuyan.

a. islogan
b. patalastas
c. awit
d. adaptasyon​

Sagot :

Ang tamang kasagutan ay letrang A. Islogan, dahil ang Islogan ang pinadaling bersyon ng salawikain, na siyang nagbibigay-impormasyon at madalas pumatungkol sa mga isyu sa lipunan.

Islogan

Ang Islogan ay maaaring gumamit ng mga malalalim na pananalita upang mabigyang-diin ang iba't ibang mensahe o ideya na nakapaloob sa isang konteksto. Kadalasan itong isinusulat sa maikling pamamaraan upang ito'y agarang matandaan at maunawaan ng mga mambabasa at estudyanteng tulad ko.

Katangian ng Islogan

  • May tugmaan
  • Madaling mabasa't matandaan
  • May matalinhagang pananalita at ekspresyon
  • Nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa
  • Nagbibigay leksyon at paalala

Halimbawa ng Islogan

"Kababaihan, pahalagahan, nang mapabuti ang lipunan".

"Kalikasa'y ingatan, sakuna'y maiiwasan".

"Edukasyo'y ilapat sa kabutihan, siguradong magtatagumpay na maabot ang kinabukasan".

Kahalagahan ng Islogan

Ang Islogan ay hindi lamang nagbibigay ng impormasyon sa ilang mga nagaganap sa lipunan, kundi maaari ring makaakit sa atensyon ng bawat indibidwal at tumatak sa puso't isipan bilang aral at payo sa kanila.

Karagdagan pa, maaaring maging relatable rin ang nilalaman ng islogan, na makapupukaw sa intensyon ng mga mambabasa upang ito'y tandaan at maging basehan ng kanilang gawain sa pang araw-araw nilang pamumuhay.