Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na Q&A platform. Tuklasin ang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa iba't ibang larangan sa aming komprehensibong Q&A platform. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

ANG AMA
(Kuwentong Singaporian)
salin ni Mauro R. Avena
Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng
isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo
at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sapagkain na
paminsan-minsa'y inuuwi ng ama malaking supot ng mainit
na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya
ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay
napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa;pagkatapos ay naroong magkagulo
sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa
pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang parte
ang lahat-kahit ito'y sansubo lang ng masarap na pagkain
, sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat
,
at ni katiting ay walang maiiwansa maliliit.
Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki,dose anyos, at isang babae, onse; matatapang
ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng
bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may
parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na
babae, otso anyos at isang dos anyos
na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga
pinag-aagawan. Natatandaanng
mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito -
sadyang nag-uwi ito para sa kanila
ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain
na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina
nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti.
Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ng pagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay
ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila
niyo'y umaasa pa rin
sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung may
brown na supot na nakabitin
sa tali sa mgadaliri nito. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y
magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nilaay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok
na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na
humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya't mahihiya itong
lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na katabi nila.
Sa ibang mga gabi,hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at
ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa
nito.Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati,may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui
Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama.Uhugin, pangiwi-
ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga paste,
gayong pauli-ulit siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang halinghing. Mahaba at matinis
,
von ay tumatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot ng pahiga sa

Sagot :

Answer:

# Ang Ama

## Kuwentong Singaporian

### Salin ni Mauro R. Avena

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama—malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa. Pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kanina pa aali-aligid sa mesa. Kung hindi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat, kahit ito'y sansubo lang ng masarap na pagkain, sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.

Natatandaang mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito—sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti. Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ng pagkain ang ama. Ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina.

Sa kabila niyo'y umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.

Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya't mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na katabi nila.

Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito.

Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahilan'y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong pauli-ulit siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot ng pahiga sa sahig.