Answered

Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga eksperto sa aming Q&A platform.

ano po ang kahulugan ng salitang teheras, paanas, mapapakagat-labi,walang-imik,abaloryo,pupitre,pambubuska , pagyayabang?

Sagot :

Teheras o tiheras ay tumutukoy sa uri ng higaan na maaaring itiklop at maaaring madalas sa iba’t ibang lugar.

 

Ang paanas naman ay tumutukoy sa paraan ng mahihinang pagsasalita ng isang tao o nangangahulugan na pabulong.

 

Mapapakagat-labi ang pagtukoy sa ginagawa ng isang tao sa panahon ng pagkatakot, pagkatuwa, o pagkagusto.

 

Walang-imik ay literal na tumutukoy sa pagtahimik at pagka-walang kibo ng isang tao.

 

Abaloryo ay isang babasaging ornamento o beads sa Ingles.

 

Pupitre naman ang salitang hiram na ginagamit upang tumukoy sa upuan na pang-iskwela.

 

Pambubuska naman ang Tagalog na kataga na tumutukoy sa pang-aalipusta o pang-iinis ng isang tao.

 

Ang pagyayabang ay tumutukoy sa gawain ng isang taong hambog.