Makakuha ng mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mabilis at tumpak na Q&A platform. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform. Maranasan ang kaginhawaan ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa aming platform.

ihambing ang kultura ng pilipinas sa mga bansang pinagmulan ng mga saling akdang pampanitikang pinag aralan . ano-ano ang mga pagkakahalintulad ?

Sagot :

ncz
Ang panitikan ay minanang hiyas na nagsisilbing tulay na nag-uugnay sa atin sa iba-ibang kultura ng bansa sa daigdig.

Sa bawat pahina ng panahong nagdaan, nabubuksan din ang ating kamalayan at pag-unawa sa natatanging kontribusyon ng Panitikang Asyano sa daigdig ng mga alamat,maikling kuwento, sanaysay, dula, tula, pabula at iba pa.

Sa masaklaw na paglalarawan, ang Asya ay nagbigay rin ng  malaking ambag sa daigdig ng panitikan sa Pilipinas.

Kung gagalugarin natin ang naging impluwensiya ng Panitikang Asyano sa ating mga Pilipino,masasabing hinulma nito ang malaking bahagi ng ating pagkakakilanlan.

Pagkakahalintulad:

> pinagmulan ng mga wika, dayalekto, lenggwahe't mga hiram na salita
> mga minanang kultura't tradisyon mula sa mga bansang pinaghahambingan

Sakabila ng napakaraming impluwensiya ng mga Asyano sa kulturang Pilipino, nanatili pa rin ang taglay at natatanging kakanyahan natin bilang mga Pilipino, tulad ng pagpapahalaga sa saloobin at pag-uugali ng isangkatutubong Pilipino sa isip, salita, at kilos.

Pagkakaiba:

> hindi pananakop ng ibang nasyon o bayan
> pagkakaroon ng sariling pagkakilanlan bilang isang bansa at naging unang republika sa Asya
 

Bago pa man dumating ang mga kanluranin ay mayroon na tayongugnayan sa Hapon, India, Tsina at Arabia, at nagaganap ang pakikipag-ugnayang ito sa pamamagitan ng kalakalan, paninirahan at pakikipag-isa.

Dahil dito, maraming mga impluwensiya o minanang kultura natin ngayon ang nakaaapekto sa ating pamumuhay at kultura bilang mga Pilipino sa kasalukuyan.



Sangay ng panitikan - 
https://brainly.ph/question/310478