Ang bansang hapon ay binansagang "Land of
the Rising Sun". Ito rin ang pinagmulan ng samurai at mga anime na siyang
dahilan at yumabong ang pagtangkilik sa mga anime sa iba't ibang panig ng
mundo. Makulay ang mga tradisyon at ritwal na isinasagawa sa bansang ito. Hindi
rin lingid sa kaalaman natin na nangunguna ang Japan sa mga bansang may mataas
na antas ng teknolohiya.
Noong unang panahon ang Korea ay tinawag na
"The Hermit Kingdom". Paulit-ulit kasing nasakop ng mga dayuhan ang
Korea noon kaya't pagkatapos makalaya sa mga mananakop ay mas pinili nitong
huwag na munang makisalamuha sa ibang bansa at pagtuonang pansin ang
pagpapaunlad ng bansa.
Ang China ay nagpasimula ng konsepto ng
dinastiya. Ang dinastiya ay ang linya ng mga taong makakapamilya na namumuno sa
China sa loob ng libu-libong taon. Sa China rin nagmula ang konsepto ng
calligraphy, oracle bone reading, ancestral worshipping at ang paggamit ng
bronse, jade, kaolin at ivory.