Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na solusyon para sa mga naghahanap ng mabilis at tumpak na mga sagot sa kanilang mga katanungan. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.
Sagot :
Panahon ng Metal:
Ang panahon ng metal ay ang panahon makalipas ang panahon ng bagong bato. Sa panahon ng metal, ang mga tao ay natutunan ang paggamit ng metal upang lumikha ng mga kasangkapang magagamit nila sa kanilang hanap – buhay tulad ng kutsilyo, sipat, pana, itak, at espada. Sa panahon din ng metal nakilala ang tanso bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng mga patalim.
Kahulugan ng panahon ng metal: https://brainly.ph/question/36747
Mga Katangian ng Panahon ng Metal:
- Nagkaroon ng kaalaman sa pagmimina at pagtutunaw ng bakal na nakatutulong ng malaki sa pag – unlad ng ekonomiya.
- Nakagawa nag Armas, palamuti, at marami pang iba.
- Nakilala ang mga hittiites o ang mga taong eksperto sa pagpapanday at pagtunaw ng bakal.
- Nagkaroon ng mga pamayanang tinawag na barangay. Ang bawat barangay ay pinamumunuan ng datu, apo, timuay, o raha.
- Pag – usbong ng teknolohiya sa mga gawang kahoy sa pamamgitan ng paglililok.
- Napaunlad ang kalakalan sa malalayong lugar na nagbigay daan sa paggawa ng mga malalaking sasakyang pandagat.
- Nagkaroon ng mga etno – linggwistikong pangkat na kinabibilangan ng mga sumusunod: bikolano, b’laan, ilokano, ilonggo, mandaya, pampango, samal, subanon, sugbuhanon, tagalog, tausug, tiruray, waray, at yakan.
- Nagkaroon ng sistema sa pagsulat gamit ang mga kawayan, dahon, at palayok bilang canvass. Ang ilan sa mga mahahalagang Gawain na naitala ay ang panganganak, pangungutang, at usaping may kaugnayan sa pulitika.
- Nagkaroon din ang mga tao ng kaalaman sa medisina at kalinisan o hygiene.
- Pagkakaroon ng mga tao ng pananampalataya sa Diyos.
Katangian ng panahon ng metal: https://brainly.ph/question/213716
https://brainly.ph/question/47000
Tatlong Bahagi:
- Panahon ng Tanso
- Panahon ng Bronze
- Panahon ng Bakal
Ang panahon ng tanso ay ang panahon kung kalian naging mabilis ang pag – unlad ng tao sa kanila ng patuloy nilang pagtangkilik sa mga kagamitang yari sa bato. Sa panahong ito napaunlad ng mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kasangkapang yari sa tanso. Ang mga copper ore ay kadalasang pinaiinitan upang maging tanso na siyang ginagamit sa paggawa ng mga lahas sa kagamitang pandigma.
Ang panahon ng bronze ang nagpakilala sa bronze bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng mga kagamitang pansaka. Natuklasan ng mga tao na ang bronze ay mas matibay kaysa tanso sapagkat ito ay pinaghalong tanso at lata.
Ang panahon ng bakal ay unang natuklasan ng mga Hittites. Ang mga hittites ay isang pangkat mula sa kanlurang Asya na pinagsamang Indones at Europeo. Ang panahong ito ay isang yugto ng kaunlaran ng sinaunang tao na namamayani ang bakal sa pangunahing sangkap sa mga kagamitan at sandata. Ito ay sumabay sa iba pang mga pagbabago sa lipunan kabilang na ang mga magkakaibang pagsasanay sa pagsasaka, at mga paniniwalang pang-relihiyon.
Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagtulong sa iyong makahanap ng impormasyon na kailangan mo, anumang oras na kailangan mo ito. Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa higit pang tumpak na mga sagot at napapanahong impormasyon. Maraming salamat sa pagbisita sa Imhr.ca. Balik-balikan kami para sa pinakabagong mga sagot at impormasyon.