Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto nang mabilis at tumpak. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng tamang impormasyon. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa iba't ibang larangan sa aming platform.

ano ang kahulugan ng kabihasnan at sibilisasyon

Sagot :

Ang mga salitang kabihasnan at sibilisasyon ay magkaugnay ngunit magkaiba. Ang kabihasnan ay tumutukoy sa isang yugto o panahon ng pag-unlad ng partikular na lipunan. Sa kabilang banda naman, ang sibilisasyon ay tumutukoy sa klase, uri o estado ng pamumuhay ng isang partikular na lugar. Ang katagang "pamumuhay ng lungsod" ang madaling paraan upang mailarawan ang salitang sibilisasyon.

Kahulugan ng Kabihasnan

  • Ang kabihasnan ay isang yugto o panahon ng pag-unlad ng partikular na lipunan.
  • Ang kabihasnan ay nakikilala sa pamamagitan ng mga sumusunod:
  1. edukasyon
  2. wika
  3. sining
  4. arkitektura
  5. pamahalaan
  6. kakayahan na maipagtanggol ang sarili

Kahulugan ng Sibilisasyon

  • Ang sibilisasyon naman ay tumutukoy sa klase, uri o estado ng pamumuhay ng isang partikular na lugar.
  • Ang sibilisasyon ay ang sistema ng pamumuhay, pag-iisip at pagkilos ng mga tao sa isang partikular na lugar.  
  • Ang sibilisasyon ay kilala rin bilang "pamumuhay ng lungsod".

Iyan ang kahulugan ng kabihasnan at sibilisasyon. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong i-click:

  • Iba pang kahulugan ng kabihasnan: https://brainly.ph/question/120652 at https://brainly.ph/question/47454
  • Mga sinaunang kabihasnan: https://brainly.ph/question/559057