Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa mga pang-araw-araw at masalimuot na katanungan. Kumuha ng mga sagot mula sa mga eksperto nang mabilis at eksakto mula sa aming dedikadong komunidad ng mga propesyonal. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.
Sagot :
Sa isang bansa, lalo na kung ito’y pulo-pulo, katulad ng bansang Pilipinas na kung saan-saan nanggaling na karatig-bansa ay hindi pare-pareho ang kultura o ng wikang ginagamit, lubhang napakahirap magkaunawaan ang bawat isa. Kaya naman nagkaroon ng pagpupulong ang mga namumuno ng ating bansa na magkaroon ng isang batas na nagpasaad na isang wika ang dapat gamitin upang madaling magkaunawaan ang bawat isa upang madaling umunlad ang ating bansa. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng batas o tuntunin na isang wika lamang ang dapat gamitin ay mas napapadali ang pakikipag-usap o pagkakaintindihan ng isa’t-isa. Halimbawa sa mga paaralan, upang madaling maunawa ang mga aralin sa mga paaralan, maging pampubliko man o pribadong paaralan, ay gumagamit ng isang wika. Sa mga nagdaang pangulo ng Pilipinas, unang nakapuna na mahirap magkaunawaan kaya naisipan nilang ipatupad ang nasabing batas na nag-uutos na isa lang ang gagamiting wika. Ito ay upang lubos na magkaunawaan ang mga kinatawan ng bawat rehiyon kung magkaroon ng pagpupulong o sesyon ng bawat mambabatas. Ang unang pangulong nagsaad ng batas na ito ay ang dating pangulong Manuel L. Quezon, na siyang itinuring na “Ama ng wikang pambansa”. Buhat noon at sa kasalukuyan ay ang wikang Pilipino ang siyang ginagamit sa lahat ng antas ng paaralan, magmula kinder at elementarya, hanggang sa kolehiyo o hanggang sa makatapos ng isang kurso ng isang mag-aaral, maging sa politika,.
Mahalaga sa amin ang iyong pagbisita. Huwag mag-atubiling bumalik para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Salamat sa pagpili sa aming plataporma. Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami. Imhr.ca ay nandito upang magbigay ng tamang sagot sa iyong mga katanungan. Bumalik muli para sa higit pang impormasyon.