Ang Imhr.ca ay tumutulong sa iyo na makahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan mula sa isang komunidad ng mga eksperto. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga eksperto. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

Paano nakaimpluwensya ang pangkat etnolinggwistiko sa pagbuo at pagunlad ng kabihasnang asyano? 

Sagot :

Paano nakaimpluwensya ang pangkat etnolinggwistiko sa pagbuo at pagunlad ng kabihasnang asyano? Ang pangkat etnolinggwistiko ay mga grupo ng isang bansa na may iisang wika, etnisidad, at kultura. Ang isang bansa ay binubuo ng iba't ibang pangkat etnolinggwistiko. Ang wika ang nagbubuklod sa tao upang sila ay magkaisa at magpahalaga sa kanilang kultura. Makikilala rin ang pangkat etnolinggwistiko sa kanilang tirahan. May mga pangkat na uplander na nakatira sa matataas na lugar o bundok. Mayroon ring mga lowlander na nakatira sa kapatagan o baybay dagat. Mas maraming lowlander dahil sa kapatagan o baybay dagat, nandito ang kabuhayan. Sa kabundukan, pinipilit nilang panatilihin ang kanilang kultura sa kabila ng kakapusan at hamon ng makabagong panahon.