Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga eksperto sa aming Q&A platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto.
Sagot :
Answer:
Tema
Ang pagbibigay tema sa isang kwento o akda ay ang aral na natutunan sa kwento, mga aral na maaring magamit sa tunay na buhay.
Halimbawang Kwento:
- Ang Sapatero at mga Duwende
Tema
- Ang tema ng kwento ng Ang Sapatero at mga Duwende ay ang pagbabalik ng utang na loob sa mga taong nakagawa ng kabutihan sa'yo kahit hindi man ito hinihingi. Ito ay isang paraan ng pagbibigay pasasalamat sa tulong na naibigay ng ibang tao na nagdulot ng kabutihan sa iyong buhay
.
Ang Sapatero at mga Duwende (Buod)
Isang araw may isang mahirap na sapatero, siya ay may materyales nna para lamang sa isang pares ng sapatos. Kinagabihan, ginupit at inihanda na niya ang mga materyales para gawin ito sa umaga. Kinaumagahan, laking gulat niya na makita ang sapatos na yari na at mahusay ang pagkakagawa nito. Dahil sa husay ng pagkakagawa, madali niya itong naipagbili kaya't nakabili siya ng materyales para sa dalawang pares naman na sapatos.
Pagbalik sa kanyang tahanan, inihanda na niya muli ang mga gagamitin para sa kinabukasan. Kinaumagahan paggising niya nakita niya muli na yari na ang dalawang pares ng sapatos. Kaya agad niyang ipinagbili ito, nang mabili ang dalawang pares ng sapatos bumili naman siya ng mga gamit para sa apat na pares ng sapatos. Inihanda niya muli ang mga ito sa ibabaw ng lamesa upang magawa niya sa umaga. Ito na naman ang nangyari, tila may tumutulong sa kanya sa paggawa ng mga sapatos. Kinalaunan, sa tulong ng mahiwagang mga sapaterong panggabi, gumaling ang buhay ng sapatero.
Kaya't napatanong ang sapatero sa kanyang asawa, "Sino kaya ang mabait na tumutulong sa akin,".
"Sino nga kaya? Gusto mo, huwag tayong matulog mamaya at tingnan natin kung sino nga siya?" sagot nito.
Kinagabihan, nagkubli ang mag-asawa sa likod ng makapal na kurtina para makita kung ano nga ang nangyayari sa gabi. Nang tumugtog ang alas dose, biglang pumasok sa bintana ang dalawang kalbong duwende. Tuloy-tuloy ito sa mesa at sinimulan agad ang pagtatrabaho. Kumakanta at sumasayaw ang mga ito habang gumagawa, pagkatapos magawa ang mga sapatos, mabilis silang tumalon sa bintana.
Dito nalaman ng mag-asawa na mga duwende pala ang tumutulong sa kanila. Kaya nakaisip ang asawa ng sapatero na ipagtahi ang mga duwende ng pantalon at baro bilang pasasalamat. Ipinatong nila ito sa mesa kinagabihan at nagtago uli sila sa likod ng kurtina.
Tuwang-tuwa ang mga duwende nang makita ang mga damit dahil nahulaan nilang para sa kanila iyon. Isinuot nila ang mga ito at sumayaw-sayaw sa galak. Pagkatapos nilang magawa ang mga sapatos, mabilis ulit silang tumalon sa bintana na suot ang mga bagong damit. Buhat noon hindi na bumalik ang dalawang duwende ngunit nagpatuloy naman ang swerte sa buhay ng mag-asawa na marunong gumanti at tumanaw ng utang na loob.
Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa link na nasa ibaba:
brainly.ph/question/385955
Kahulugan ng Maikling Kwento: brainly.ph/question/310907
#LetsStudy
Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Imhr.ca ay laging nandito para magbigay ng tamang sagot. Bisitahin muli kami para sa pinakabagong impormasyon.