Tinutulungan ka ng Imhr.ca na makahanap ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Sumali sa aming Q&A platform at kumonekta sa mga propesyonal na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong. Tuklasin ang detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

paano nalutas ng bawat kabihasnan ang mga hamon ng kalikasan

Sagot :

Kryos

Answer:

Hamon ng Kalikasan

Ang paglutas sa mga hamong pangkalikasan ay isa sa mga mahahalagang bagay na ginawa ng mga sinaunang sibilisasyon. Mayroong nagtagumpay, habang mayroon namang nalupig nito. Narito ang ilan sa mga paraang ginawa ng mga sinaunang sibilisasyon upang masolusyunan ang mga hamon ng kalikasan:

Ehipto:

Nagtayo ang mga taga sinaunang Ehipto ng mga irigasyon upang masuplayan ng tubig ang kanilang mga pananim at hindi ito matuyo, sapagkat sila ay nakatira sa mainit na disyerto.

Sinaunang Japan at Tsina:

Gumawa ng teknik ang mga taga sinaunang Tsina at Japan kung paano makakaligtas sa malalakas na lindol ang kanilang mga bahay gamit lamang ang tamang pag-ukit sa mga kanto ng mga kahoy na kanilang ginagamit.

Roma:

Ang pagtatayo ng isang sistema ng mga kalsada ang naging daan upang mabilis na rumesponde ang mga taga Roma kung magkakaroon man ng isang suliraning pangkalikasan sa mga lugar na kanilang nasasakupan.

May ilang mga sibilisasyon na natalo din sa kanilang laban. Isa na dito ang mga Minoan na nagapi dahil sa patuloy na paglindol sa kanilang lugar. Ang pagputok ng Thera o Santorini ay nakadagdag din sa kanilang pagkawasak. Ang mga sibilisasyon naman sa Mesoamerica ay nabura dahil sa pagkalat ng mga sakit na dala ng mga taga-Europa.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa paghahanda sa mga sakuna, bisitahin lamang ang link na ito:

brainly.ph/question/376083

brainly.ph/question/682705

brainly.ph/question/17604796

#BrainlyEveryday