Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na solusyon para sa mga naghahanap ng mabilis at tumpak na mga sagot sa kanilang mga katanungan. Tuklasin ang isang kayamanan ng kaalaman mula sa mga propesyonal sa iba't ibang disiplina sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Maranasan ang kaginhawaan ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa aming platform.

Bakit kailangan ipatupad ang RH bill?

Sagot :

sanie
Actually RH Law na ito. Napirmahan na ng pangulo natin ang pagsasabatas nito. Kaso mayroong mga probisyon at mga opposition o mga hindi pa din tumutigil sa pagbatikos sa naturang batas kaya tinatawag pa din itong pending.

Bakit kailangang ipatupad ang RH Law? Unang una sa lahat ay hindi ito para sa mga may kaya at posisyon sa mataas na lipunan, kundi para sa mga mamamayan na hindi kaya o hindi kaya nama'y walang kapangyarihan na mag-ingat para sa sarili. Ang RH Law ay may parte na nagsasabing pwdeng ipamahagi ng libre sa mga health center sa bansa ang mga contaceptives at pills para sa mga magulang at kababaihan o kalalakihan na gustong gumamit nito. Pero dahil nga maka-tradisyonal ang ating bansa at wala pa ding separasyon ang simbahan sa pamahalaan ay nagkaroon ng malaking pagtutol. 

Pero kung iisipin mo ng bukas ang iyong isip ay talagang makakatulong ito para sa mga mahihirap at para maiwasan ang mga kumakalat na sakit na nakukuha sa pakikipagtalik at iba pa. Ngunit katulad ng lahat ng bagay ay may masamang epekto din ito, na baka magkaroon ng mas maraming tao na nakikipagtalik ng hindi pa kasal na lubos na tinututulan ng simbahan.