Tinutulungan ka ng Imhr.ca na makahanap ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Tuklasin ang aming Q&A platform upang makahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang malawak na hanay ng mga eksperto sa iba't ibang larangan. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.

ano ang likas na batas moral

Sagot :

Likas na Batas Moral:

Ang likas na batas moral ay tumutukoy sa mga batas na ipinagkaloob sa tao bilang tugon sa kaniyang pakikibahagi sa kabutihan at karunungan ng Diyos. Dahil sa mga batas na ito nagkaroon ang tao ng kakayahang kilalanin ang mabuti sa masama. Ganun pa man, mayroon ding kakayahan ang tao na gumawa ng mabuti o masama bunga ng kanyang malayang kilos – loob.  

Sa pamamagitan ng likas na batas moral, nagkaroon ng direksyon ang buhay ng tao. Ang kaniyang pagsunod sa likas na batas moral, nakagagawa siya ng mabuti at naisasabuhay niya ang makabuluhang pakikipagkapwa. Sa kabila nito ang likas na batas moral ay hindi lupon ng mga batas na dapat na isinasaulo upang sundin sa araw – araw kundi ang paggawa ng mabuti na nagmumula sa kaniyang pagkatao. Ang mga ito ay nakalapat sa kanyang konsensya na siya ring ginagamit na personal na panuntunan ng moral ng tao. Ang konsensya ang ginagamit ng tao sa pagpili ng tama.

Ano ang likas na batas moral: https://brainly.ph/question/421594

Ano ang konsensya: https://brainly.ph/question/675749

Mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral:

Pangunahin:

  • Gawin ang mabuti, iwasan ang masama.

Dapat maunawaan ng tao na ang likas na batas moral ay hindi nagbabago. Hindi ito sumasabay sa pagbabago ng panahon o sa kung ano ang hinihingi ng pagkakataon. Hindi ito maaaring ihambing sa pagbabago na hindi nababawasan at walang katapusan. Sa oras na makilala ng tao ang mabuti sa masama, kinakailangan niya na gawin ito at tuluyan ng iwasan ang paggawa ng masama. Sa ganitong paraan, mas maisasapamuhay niya nag pagiging mabuti kaysa sa mga gawing masama.

Pangalawa:

  • Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay.
  • Kasama ng mga hayop likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag – aralin ang mga anak.
  • Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan.

Ang tao ay likas na maalaga sa kaniyang sarili kaya naman umiinom siya ng gamut sa tuwing siya ay nagkakasakit at kumakain siya ng mga masustansyang pagkain at nag eehersisyo upang mapalakas at mapangalagaan ang kanyang pangangatawan. Nagiging maingat siya sa kanyang mga gawain at sinisikap na protektahan ang kanyang sarili sa lahat ng oras. Ang kaniyang pagpapahalaga sa sarili ay nagbubunga rin ng pagpapahalaga sa kapwa.

Bilang bahagi ng kalikasan ng tao, siya ay naghahangad na magkaroon ng anak at bumuo ng pamilya. Kalakip ng pagtanggap sa responsibilidad na ito, kinakailangan na maunawaan niya na hindi natatapos ang kanyang tungkulin sa pagkakaroon ng mga supling, kinakailangan na ang mga ito ay kanyang mapakain, mabuhay, at mapag – aral. Inaasahan na ang kabutihan ng mga magulang ang kanilang magiging sandata upang hubugin ang kanilang mga anak.

Sapagkat ang tao ay likas na mapaghanap ng katotohanan, nararapat na maunawaan niya na ang katotohanan ay hindi dapat ipinagkakait sa kanyang kapwa. Kaya naman hindi katanggap – tanggap ang pagsisinungaling sa kapwa. Maging ang panloloko ay bagay na hindi nagpapahintulot ng katotohanan upang makamtan ng kanyang kapwa. Ang pamumuhay ng makatotohanan ay kinakailangan na may pakikibahagi at pakikipagkapwa – tao.

Mga prinsipyo ng likas na batas moral: https://brainly.ph/question/396662

Umaasa kami na nakatulong ito. Mangyaring bumalik kapag kailangan mo ng higit pang impormasyon o mga sagot sa iyong mga katanungan. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik muli para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Imhr.ca ay nandito upang magbigay ng tamang sagot sa iyong mga katanungan. Bumalik muli para sa higit pang impormasyon.