Paggalang sa Magulang:
Kailangang igalang at sundin ang payo ng ating magulang sapagkat ito ay paraan ng pagpapahalaga sa kanila.
Ang mga magulang ang awtoridad sa loob ng tahanan. Sila ang pinagkalooban ng Diyos ng kapangyarihan upang pamahalaan ang tahanan at itaguyod ang kanilang mga anak. Kalakip nito ay ang responsibilidad na palakihin at hubugin ang mga anak sa tama. Kaya naman, sa lahat ng pagkakataon ang mga magulang ay naghahangad ng mabuti para sa kanilang anak o mga anak. Ang mga payong kanilang ibinibigay ay kadalasang bunga ng kanilang mga karanasan. Ang pagsunod sa mga ito ay pagpapatunay lamang na pinahahalagahan mo ang mga karunungang taglay ng iyong mga magulang.
Keywords: paggalang, pagsunod sa mga magulang
Kahulugan ng Paggalang: https://brainly.ph/question/1518524
#BetterWithBrainly