Ambag sa Medicina - Itinatag ni Hippocrates ang isang paaralan para sa pag-aaral ng
medisina. Gumamit siya ng siyentipikong pamamaraan sa pagkilala at
paggamot ng sakit. Ayon kay Hippocrates, ang bawat sakit ay may likas na
sanhi. Ang kaalaman tungkol sa katawan ay pinaunlad nina Herophilus,
Ambag sa Agham - Magaling ang mga Greek sa matematika. Pinaunlad ni Pythagoras ang prinsipyo ng geometry na taglay ang kanyang pangalan, ang Pythagorean Theorem. Tinantiya ni Archimedes ang paraan ng pagsukat ng circumference ng isang bilog. Natuklasan din niya ang prinsipyo ng specific gravity. Si Euclid ang kinilalang “Ama ng Geometry.” Si Aristarchus ang nakatuklas na umiikot ang daigdig sa araw habang umiikot ito sa sarili niyang axis. Nakagawa si Eratosthenes ng halos tumpak na tantiya ng circumference ng daigdig.