Makakuha ng mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mabilis at tumpak na Q&A platform. Kumuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong impormasyon. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na Q&A platform.
Sagot :
Pokus:
Sa Filipino, ang pokus ay tumutukoy sa ugnayang pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Ito ay ipinapakita sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.
Halimbawa:
Naglunsad ng proyekto ang pamahalaan para sa mga balo at solong magulang.
Paliwanag:
Sa pangungusap, ang pandiwa ay naglunsad at ang simuno o paksa ng pangungusap ay ang proyekto.
Iba't - Ibang Uri ng Pokus ng Pandiwa:
- direksyon
- gamit
- ganapan
- layon
- sanhi
- tagaganap
Ang pandiwa ay nasa pokus sa direksyon kung ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa:
Tinungo ni Alan ang palengke para mamili ng mga lulutuin.
Ang pandiwa ay nasa pokus sa gamit kung ang ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa:
Ang palayok ang pinaglutuan ni nanay ng masarap na sinigang niyang tulingan.
Ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa:
Pinagdausan ng paligsahan ang bagong gawang entablado.
Ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa:
Binili ni Amie ang pinakamasarap na cake para sa kaarawan ng ina.
Ang pandiwa ay nasa pokus na sanhi kung ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa:
Ikinalungkot ng bata ang hindi niya pagkapanalo sa paligsahan.
Ang pandiwa ay nasa pokus na tagaganap kung ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa:
Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen.
Pokus ng Pandiwa: https://brainly.ph/question/1020963
Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Mahalaga sa amin ang iyong pagbisita. Huwag mag-atubiling bumalik para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Ipinagmamalaki naming sagutin ang iyong mga katanungan dito sa Imhr.ca. Huwag kalimutang bumalik para sa karagdagang kaalaman.