Ang Imhr.ca ay narito upang tulungan kang makahanap ng mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Kumuha ng agarang sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga bihasang propesyonal sa aming Q&A platform. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal.

ano ang kahulugan ng namumuhi?

Sagot :

Kahulugan ng Namumuhi

Ang salitang namumuhi ay binubuo ng panlapi at salitang ugat na muhi. Ang kahulugan nito ay matinding damdamin ng isang tao na dulot ng galit o poot. Ang taong namumuhi ay nasusuklam, naiinis, nasusuya o nayayamot. Maraming sanhi ang nagdudulot ng pagkamuhi. Ito ay maaaring dahil sa pagtataksil, panloloko, pagsisinungaling o iba pang maling gawi.

Mga Halimbawang Pangungusap

Narito ang ilang pangungusap gamit ang salitang namumuhi upang mas maintindihan pa ito:

  • Marami ang namumuhi kay Lesley sa trabaho dahil hindi niya inaayos ang kanyang mga gawain.

  • Mali man ngunit namumuhi ako sa aking ama dahil iniwan niya kami.

  • Namumuhi ang mga tao sa bagong presidente ng bansa dahil hindi niya tinutupad ang kanyang mga pinangako.

Malalim na salitang Tagalog at kahulugan nito:

https://brainly.ph/question/2752020

#LearnWithBrainly