Kahulugan ng Malirip
Ang salitang malirip ay binubuo ng unlapi at salitang ugat na lirip. Ang kahulugan nito ay mabatid, maisip o malaman ang katotohanan o halaga ng isang bagay o pangyayari. Dito pumapasok ang pagninilay-nilay o pagmumuni-muni ng isang tao upang mas maintindihan ang isang sitwasyon. Ito ang maingat at malinaw na pag-unawa. Sa Ingles, ito'y comprehend.
Mga Halimbawang Pangungusap
Gamitin natin sa pangungusap ang salitang malirip para mas maging pamilyar dito. Narito ang halimbawa:
- Kahit anong gawin ko ay hindi ko malirip kung bakit nagawa ni tatay na iwan kami.
- Sana ay malirip ng mga kabataan kung gaano sila kaswerte dahil nakapag-aaral sila. Sana ay hindi nila sayangin ang kanilang pagkakataon.
- Bigyan mo ako ng tatlong araw upang malirip ko ang solusyon sa ating problema.
Kahulugan ng ibang salitang Tagalog:
https://brainly.ph/question/109655
#LearnWithBrainly