leorein
Answered

Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa iba't ibang larangan sa aming platform. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

kahulugan ng bibliography

Sagot :

Ang bibliography, sa modernong panahon ay ang listahan ng mga akdang ginamit sa isang pananaliksik. Ito ay karaniwang nilalagay sa pinakahuling bahagi ng isang saliksik. Ang bibliography din ay isang disiplina na tumutukoy sa pag aaral nga mga libro bilang mga pisikal at kultural na mga bagay. Kumbaga, hindi lang ang nilalaman ang inaaral kundi ang mismong pisikal na aspeto din ng isang libro. Nasa baba ang ilang gabay sa pagsusulat ng bibliography.

Bakit Naglalagay ng Bibliography

Ito ay upang magbigay ng credit sa mga akdang binasa upang mabuo ang iyong pag-aaral. Sa modernong panahon, sa Facebook, maihahalintulad ito sa paglalagay ng "ctto" sa isang post na kinopya. Pero hindi lamang ganun kasimple ang bibliography dahil ito ay may kaukulang proseso at istrakturang sinusunod. Kung may bibliography din, mas madaling masundan ng isang mambabasa ang iyong mga sources at pwedeng basahin din nila ito para sa dagdag na impormasyon.

Ilista ang Lahat ng Nabasa Ukol sa Paksa

Upang hindi mahirapan sa pagsusulat ng bibliography, habang nagbabasa pa lamang, ugaliin na na isulat ang mga impormasyon ukol akdang binasa. Ilista ang titulo, ang may-akda at publishing information. Kung gagawin ito hindi na mahihirapan pag pag kailangan na ayusin ang listahan sa huli.

Format ng Bibliography

Maraming uri ng format ng Bibliography ngunit ang dalawa sa pinakasikat ay ang APA (American Psychological Association) at MLA (Modern Language Association). Karaniwan na ginagamit ang APA sa mga akdang teknikal at ang MLA naman sa may kinalaman sa lengguwahe at sining.

Para sa dagdag kaalaman:

APA Citation: https://brainly.ph/question/762054

Pagsusulat ng Bibliography: https://brainly.ph/question/2115150