PANUTO: Unawain at sagutin ang mga tanong. Isulat ang BATO kung ang pangungusap
ay wasto at APOY kung ito ay mali. Isulat sa lengthwise na papel ang inyong mga sagot.
1. Ang panahong Paleolitiko, Mesolitiko, at Neolitiko ay ang mga panahong nakitaan na
karamihan sa mga tao ay gumamit ng bato bilang kasangkapan
2. Nag-umpisang gamitin ng mga tao ang mga kasangkapan na yari sa magaspang na bato
noong Panahon ng Bato.
3. Natuklasan lamang ng mga sinaunang tao ang apoy noong Panahon ng Bakal
4. Ang mga sinaunang tao sa Mesopotamia ay nagtatag na ng sibilisasyon noong
Panahong ng Lumang Bato.
5. Natuklasan ang microlith noong Panahon ng Tanso,
6. Ang mga Babylonians ang nakatuklas ng bakal dahil kilala sila bilang mararahas tuwing
digmaan
7. Nagkaroon na ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat noong
Panahon ng Bronse .
8. Ang sibilisasyon ay nagsimula lamang noong Panahon ng Neolitiko dahil meron ng
sistema ng pagtatanim na nagbibigay ng pang-araw-araw na sustento.