1. Malaki ang epekto ng paglaki ng populasyon sa ating likas na yaman sapagkat
maraming mamamayan ang nangangailangan ng mga hilaw na materyales lalo't
higit sa mga bansang mauunlad at mga bansang papaunlad pa lamang. Kung
susuring mabuti, ano ang magiging implikasyon nito sa ating likas na yaman ng
Asya pagdating ng panahon?
A. Ang likas na yaman ng Asya ay mauubos o mawawala.
B. Mapreserba ang mga yamang likas ng Asya.
C. Aangkat ang mga bansa sa Asya sa ibang mga kontinente.
D. Higit na madadagdagan ang likas na yaman ng Asya.
sa
2. Sa larangan ng agrikultura higit na nakadepende ang tao sapagkat dito
nagmumula ang pangunahing pangangailangan at maging ang mga prod tong
panluwas. Ano ang mabubuo mong konklusyon ukol sa pahayag na ito?
A. Ang larangan ng agrikultura ang tumutugon pangunahing
pangangailangan ng tao.
B. Ang mga Asyano ay nakikipagkalakalan sa ibang bansa bunga ng
kakulangan sa produksiyon.
C. Nangangailangan ang mga Asyano ng makabagong teknolohiya upang
mapaunlad ang Agrikultura.
D. Nagiging kulang ang produksiyon sa agrikultura bunga ng pang- aabuso
ng tao
3. Sa mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan ng tao sa kasalukuyan na
nakakaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayan, alin sa iyong palagay ang
pinakaepektibong pagtugon ng tao upang mapanatili ang balanseng ekolohikal sa
ating daigdig?
A. Paghahanap ng pabrikang mapapasukan na hindi nagbubuga ng
matinding usok.
B. Pakikilahok sa mga proyektong nagsusulong sa pagsagip sa lumalalang
kalagayang ekolohikal.
C. Pananauli sa loob ng tahanan upang makaiwas sa maaaring maidulot ng
mga usok ng sasakyan
D. Manirahan sa mga lugar na hindi gaanong apektado ng anumang
suliraning pangkapahgiran.