Maligayang pagdating sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at tumpak na mga sagot. Tuklasin ang aming Q&A platform upang makahanap ng malalim na sagot mula sa isang malawak na hanay ng mga eksperto sa iba't ibang larangan. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

bakit nakaapekto ang heograpiyang lokasyon ng isang lugar sa pagtataguyod at paghubog ng kabihasnan​

Sagot :

Explanation:

Paano Nakaaapekto ang Heograpiya sa Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig?

Ang mga sinaunang kabihasnan ay naapektuhan ng heograpiya kung saan sila nakatira. Nagkakaroon ng mga siyudad malapit sa mga katawan ng tubig gaya ng ilog o dagat dahil mataba ang lupa para sa pagtatanim at madali din ang transportasyon. Dahil malapit sa tubig, madali makakuha ng tubig na pang-inom at mang-aso ng maraming hayop. Malamang malinis din ang lugar na tirahan. Kaya masasabi na matatag ang mga kabihasnan na malapit sa katawan ng tubig dahil metatag ang pinagkukunan ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain at tubig. Nadidikta din ng heograpiya ang klima o temperatura ng lugar na nakakaapekto sa kung anong itatanim, anong isusuot, on anong mga gawain ang nararapat sa isang partikular na panahon. Nagbibigay din ang heograpiya ng mga likas na mga hadlang (natural barriers) gaya ng bulubundukin. Ito ay mahalaga para makahadlang ng mga kalaban. Ngunit makakadulot din ito ng kahirapan sa pakikipagkalakalan sa ibang mga kabihasnan. Kaya kung ano man ang heograpiya na pinagtirahan ng mga sinaunang kabihasnan ay nakatulong sa paglago nito para maging kung ano tayo ngayon.