1. Sa patuloy na pagdami ng populasyon at pananatili ng lawak ng lupa ay
nagkaroon ng land conversion. Ano ang epekto ng land conversion?
A. Polusyon. C. Pagkawala ng biodiversity.
B. Pagbabago ng klima. D. Pagkasira ng tirahan ng mga hayop.
2. Ang paggamit ng mga tradisyonal at makabagong teknolohiya para mapataas ang
antas ng pambansang kita upang mapabuti ang pamumuhay ng mga
mamamayan nito ay implikasyon sa pag-unlad ng:
A. agrikultura B. ekonomiya C. kultura D. panahanan.
3. Ang mga rehiyon sa Asya ay parehong may mayamang mineral ngunit may rehiyon
na sagana partikular na sa langis at petrolyo. Anong rehiyon ito?
A. Kanlurang Asya C. Silangang Asya
B. Timog Asya D. Timog-Silangang Asya.
10
4. Anong pananim ang ipinagbabawal ng pamahalaan ngunit tanyag na pananim sa
Pakistan? A. bulak B. dates C. opyo D. trigo
5. Saan nanggagaling ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga
produktong panluwas nito?
A. pagmimina B. pagtotroso C. pagsasaka D. pangingisda
6. Anong rehiyon sa Asya ang mainam na pastulan ng mga alagang hayop ngunit sa
tindi ng lamig dito ay halos walang punong nabubuhay?
A Hilagang Asya B. Timog Asya C. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya.
7. Bakit nagtatanim ng mga punong mulberry ang mga Hapon?
A. Pagkain ng mga silkworm na kailangan sa industrtiya ng telang sutla.
B. Kailangan nila ito para mapangalagaan ang kanilang kapaligiran.
C. Sangkap ng produkto para sa kanilang mga industriya.
D. Ito ang kanilang pambansang kahoy.
8. Ang mga malalaking ilog sa ilang mga bansa sa Timog-Silangang Asya ay
pinagtatayuan ng dam ng ilang mga bansa at nililinang para sa hydroelectric
power na siyang pinagkukunan ng kuryente. Alin sa mga sumusunod ang
pinakamalaking pakinabang nito?
A. Naging mas madali ang pagyaman ng mga bansa.
B. Napabilis ang produksiyon ng mga industriya.
C. Nagkaroon ng ilaw ang mga kabahayan.
D. Nagamit ang mga malalaking ilog.
9. Ano ang pangunahing pananim ng China na siyang nangungunang produkto nito
sa buong mundo?
A. gulay B. mais C. palay D. prutas
10. Saan matatagpuan ang tinatayang pinakamalaking deposito ng ginto sa mundo?
A. Uzbekistan B. Tajikistan C. Kazakshtan D. Kyrgyzstan
11. Ano ang pinakamahalagang produkto ng mga bansang nabibilang sa Timog
Asya? A. opyo B. palay C. langis D. asin
12. Anong bansa sa Silangang Asya ang salat sa ilang anyong likas na yaman ngunit
maunlad at nagging industriyalisadong bansa?
A. Timog Korea B. Mongolia C. Japan D. China
13. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naglalarawan ng hidwaan dahil sa
likas na yaman?
A. Ang pag-angkin ng ilang mga bansa sa mga paracels at Spratlys sa South
China Sea.
B. Pag-uwi ng mga Jews sa Palestine mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.
C. Ikalawang Digmaang Pandaigdig
D. Pagkahati ng Korea.
14. Kasabay ng pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao ay ang pagkasira ng likas na
yaman at kapaligiran. Alin sa mga sumusunod na pahayag ay halimbawa ng
implikasyon sa pananahanan?
A. Pagkuha ng mga ginto at iba pang mineral.
B. Pagtatayo ng mga subdivision sa mga lupang agricultural.
C. Pagkaubos ng mga orihinal na uri ng mga hayop at pananim.
D. Pagkakaingin upang pagtaniman ng mga produktong agricultural.
15. Paano pinapakinabangan ng Saudi Arabia ang mayamang deposito ng petrolyo
bilang kanyang likas na yaman sa buong daigdig?
A. Pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong daigdig.
B. Napaunlad nito ng mabuti ang kanilang bansa.
C. Nakapagbibigay ng trabaho sa mga dayuhan.
D. Naging mayaman ang mamamayan nito.