Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na solusyon para sa mga naghahanap ng mabilis at tumpak na mga sagot sa kanilang mga katanungan. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng eksaktong sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.

Sa anong paraan mahahasa ang mga katangiang taglay ng isang mananaliksik?​

Sagot :

Answer:

Ang isang mananaliksik ay dapat na magtaglay ng sapat na kakayahan at kaalaman sa mga pamamaraan ng pananaliksik. Kailangan niya ring maglaan ng sapat na panahon sa pangangalap sa kanyang mga datos.

Masipag

Matiyaga

Maingat

Sistematiko

Kritikal o mapanuri

Katapatan ang pinakapangunahing pananagutan ng isang mananaliksik. Ang katapatang ito ay kailangan niyang maipamalas sa pagkilala ng pinagkunan ng kanyang mga datos at iba pa pang ideya o impormasyon sa kanyang pananaliksik.

Nangangahulugan ito na :

a. kinikilala ng mananaliksik ang lahat ng pinagkunan niya ng datos,

b. bawat hiram termino at ideya ay kanyang ginagawan ng karampatang tala,

c. hindi siya nagnanakaw ng mga salita ng iba kundi sinisipi ito at binibigyan ng karampatang pagkilala, at

d. hindi siya nagkukubli ng datos para lamang palakasin o pagtibayin ang kanyang argumento o para ikiling ang kanyang pag-aaral sa isang partikular na pananaw (Atienza, et al., 1996).

Idinagdag pa nina Atienza, et al. (1996) ang isang pang napakahalagang pananagutan ng isang mananaliksik - ang pagtiyak na mapaninindigan ng mananaliksik ang lahat ng interpretasyon ng kanyang binuo batay sa kanyang masinop at maingat na pagsusuri ng kanyang mga datos nakalap

Explanation:

Sa anong paraan mahahasa ang mga katangiang taglay ng isang mananaliksik?​

  • Mahahasa ang katangiang taglay ng isang mananaliksik sa pamamagitan ng walang humpay na pagbabasa, pagsusuri ng mga mahahalagang at paggalugad ng mga mahahalagang datos
  • Dapat din na matutong magtiyaga at maging masipag ang isang mananaliksik upang siya ay makakalap ng datos
  • Kailangan din na matuto ang isang mananaliksik sa mga iba't-ibang estratihiya upang mas maging maganda at makatutuhanan ang isang pananaliksik.
  • Kailangan din na magaling pumili ang isang mananaliksik ng kanyang paksa na kawil-wili, kapaki-pakinabang at napapanahon.

Related:

Katangian ng isang mananaliksik

brainly.ph/question/2578467

brainly.ph/question/7336725

Ano ang mananaliksik

brainly.ph/question/48077

#letsstudy