____10. Alin sa mga susmusunod ang dapat taglayin ng isang entreprenyur?
I.maging malikhain III. mataas humingi ng tubo
II. puno ng inobasyon IV. handa sa pagbabago
A. I, III B. I, II, III C. I, II, IV D. I, II, III, IV
____11. Ang bawat salik ng produksiyon ay mahalaga sa paglikha ng mga produkto at serbisyo. Ang bawat salik kapag ginagamit ay may kabayaran tulad ng¬¬¬¬____.
A. Upa sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at tubo sa entreprenyur
B. Upa sa kapitalista, sahod sa lakas- paggawa, tubo sa may-ari ng lupa, interes sa entreprenyur
C. Sahod sa may-ari ng lupa, interes sa lakas-gawa, upas a kapitalista, tubo sa entreprenyur
D. Upa sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas- gawa, tubo sa kapitalista, interes sa entreprenyur
____12. Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo patungkol sa depinisyon ng pagkonsumo?
A. Ito ay kaganapan at kabuuang layunin ng lahat ng gawaing pang-ekonomiya
B. Ito ay ang pagbili o paggamit ng mga produkto o serbisyo na makapagbibigay ng kaligayahan sa tao.
C. Ito ay pagproprodus ng produkto o serbisyo na walang kinalaman sa interes ng mga mamimili.
D. Ito ay kumpletong kasiyahan sa pangangailangan ng tao sa pamamagitan ng paggamit o pagbili ng mga produkto at serbisyo na ipinoprodus ng prodyuser.
____13. Paano nakakaapekto ang kalamidad gaya ng bagyo sa pagtaas ng konsumo?
A. Walang tindahan na mabilihan
B. Inuuna ng mga tao ang paghahanapbuhay
C. Nagsasara ang mga pamilihan ng produkto
D. Nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto
____14. Alin sa mga sumusunod ang hindi nakasaad sa aklat ni John Maynard Keynes na “The General Theory of Employment, Interest, and Money?
A. Malaki ang kaugnayan ng kita sa pagkonsumo
B. Ang pagbaba ng kita ay ay pagbaba din ng konsumo
C. Maraming pinamimili ang mga taong may malaking kita
D. Maraming pinamimili ang taong may maraming pangangailangan
____15. Kailan mo masasabing matalino kang mamimili?
A. Gumagamit ng credit card sa pagbibili ng mga bagay na may kamahalan
B. Inaabangan palagi ang sale upang makatipid at makamura sa pagbili ng mga damit
C. Sumusunod sa badget at sinusuri ang mga presyo, sangkap at timbang ng produktong binibili
D. Bumibili nang labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan sa pamilihan
___16. Bumili ka ng pagkain sa tindahan ngunit ito nasa petsa na ng palipas. Anong karapatan ang dapat ipaglaban at ang ahensyang tumutulong dito?
A. Karapatan ng Kaligtasan- Bureau of Food and Drugs
B. Karapatan ng Kaligtasan- Environmental Management Bureau
C. Karapatan sa Patalastasan- Bureau of Food and Drugs
D. Karapatang sa mga pangunahing pangangailangan- Department of Trade and Industry
___17. Sa paanong paraan mo maitaguyod ang karapatan sa tamang impormasyon?
A. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong bilhin.
B. Palaging pumunta sa timbangang-bayan upang matiyak na tama biniling produkto.
C. Palagiang gumagamit ng recycled na produkto upang mapangangalagaan ang kalikasan.
D. Pag-aaralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami, at komposisyon ng produkto.