TAMA o MALI. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wastong
paliwanag tungkol sa pananaliksik at Mali naman kung hindi.
_____1. Maaari mong gamitin bilang iyong batayan ang kahit anong site na
makikita sa internet.
_____2. Makatutulong sa iyo ang paggamit ng index card para sa pagtatala
ng mga kagamitan na iyong ginamit sa pananaliksik.
_____3. Mayroon kang malalim na kaalaman sa paksa na iyong pipiliin.
_____4. Kailangan mong isaalang-alang ang panahon sa pagpili ng iyong
saliksik.
_____5. Gumamit ng burador upang magkaroon ka ng malinaw na gabay sa
pagsasaayos ng iyong mga nakalap na datos.
_____6. Ang pagtanong-tanong sa ibang tao na may kinalaman sa iyong
pananaliksik ay makatutulong upang lumabas ang mga kasagutan
sa iyong pag-aaral.
_____7. Ang dokumentasyon ay isang pamamaraan sa pangangalap ng mga
datos.
_____8. Talakayin sa iyong pag-aaral ang iba’t ibang paksa upang mas
maraming malaman ang iyong mga mambabasa.
_____9. Tiyakin na ang gagawing pag-aaral ay makasasapat sa panahon na
inilaan.
_____10. Gumamit ng mga malalalim na termino upang makaakit sa mga
mambabasa.