Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan ang iyong mga tanong ay masasagot ng mga eksperto at may karanasang miyembro. Tuklasin ang isang kayamanan ng kaalaman mula sa mga propesyonal sa iba't ibang disiplina sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot na
nagpapakita ng paggalang sa pakikipag-usap sa iba't ibang sitwasyon. Isulat ang
titik ng iyong sagot sa sagutang papel.
1. Gusto mong lumabas kasama ang iyong mga kaibigan. Paano ka magpapaalam
sa iyong mga magulang?
A. Aalis po ako kasama ng aking mga kaibigan.
B. Hinihintay na ako ng aking mga kaibigan sa labas, paalam.
C. Maaari po ba akong lumabas kasama ang aking mga kaibigan?
D. Payagan ninyo akong lumabas kasama ang aking mga kaibigan.
2.
Gusto mong makipaglaro sa labas kasama ang inyong mga kaibigan. Humingi
ka ng pahintulot sa iyong ina ngunit ayaw kang payagan dahil sobrang init sa
labas. Ano ang iyong sasabihin?
A. Sige na inay, payagan na po ninyo ako.
B. Aalis pa rin ako, Inay kahit hindi ninyo ako papayagan.
C. Opo, Inay, gagawa nalang po ako ng aking takdang-aralin.
D. Naku, Inay, wala naman po akong gagawin dito sa bahay kaya payagan
na ninyo ako.
3. Nakita mong hindi wasto ang paggawa ng proyekto ng iyong kagrupo at ikaw
ang nakakaalam ng tamang paggawa nito. Paano mo ito sasabihin?
A. Mali ka, hindi ganiyan ang paggawa nito.
B. Ihinto mo na iyang ginagawa mo kasi mali naman.
C. Dapat sana sinabihan ninyo ako bago kayo gumawa.
D. Maaari ba akong magbigay ng suhestiyon sa paggawa ng ating proyekto?
4. Pinuri ka ng iyong guro dahil sa husay mo sa pagguhit. Ano ang tama mong
isasagot?
A. Wala iyon, Ma'am.
B. Magaling po talaga ako.
C. Maraming salamat po, Ma'am.
D. Syempre naman po, kasi may pinagmanahan.
5. Lalabas na sana si Angie sa kanilang silid-aralan ngunit nag-uusap ang
kaniyang mga kamag-aral sa may pintuan. Ano ang nararapat niyang sabihin
A. Padaan nga
B. Makikiraan po sa inyo.
C. Umalis nga kayo diyan.
D. Huwag kayong humarang sa pintuan.​

Sagot :

Answer:

1. C.

2. C.

3. D.

4. C.

5. B.

#SPREADtoLEARN