Mahal kong Talaarawan,
7 Marso 2020
Sabado
Ngayon ay Sabado at ito na ang pinakahihintay kong araw dahil
aalis kami ni mama papuntang mall upang mamili ng mga
gamit ko para sa recognition. Maaga akong gumising, kumain.
naligo at umalis na Excited na akong mamili ng mga damit ko
at sapatos. Pagkatapos naming mamili ni mama kumain kami
sa isang kainan ng batchoy at umuwi na.
8 Marso 2020
Linggo
Linggo ngayon at araw ito para sa Poong Maykapal. Maaga
kaming naghanda dahil magsisimba kami. Pagkatapos naming
magsimba pumunta kami sa mall, namasyal at kumain, walang
ano-ano biglang sumakit ang tiyan ko dahil naparami ang kain
ko ng kanin, fried chicken at inom ng softdrinks, niyaya ko na
sina mama na umuwi dahil masakit ang tiyan ko.
Nagmamahal
Jilian
1.Saan pupunta ang mag-ina?
2. Ano-ano ang kanilang bibilhin?
3. Maliban sa pamimili, ano pa ang ginawa nila?
4.Ano Ang ginawa ng pamilya sa araw ng Linggo
5.Bakit nagyayang umuwi kaagad so Jilian?