Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinaka-mapagkakatiwalaang Q&A platform para sa lahat ng iyong pangangailangan. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga propesyonal sa aming platform. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

layunin ng kabayong kahoy​

Sagot :

Answer:

Ang Kabayo ng Troya ay isang malaking kabayong yari sa kahoy na may malaking butas na pinagtaguan ng mga Griyegong kawal upang lihim na makapasok sila sa Troya.[1][2] Sa kasalukuyang paggamit, tumutukoy na rin ang pariralang ito para sa anumang grupong subersibo at kaaway na maingat at palihim na sumasanib sa isang hukbo na may layuning pabagsakin ang pinagsalihang hukbo.

Para sa ibang gamit, tingnan ang Kabayo ng Troya (paglilinaw).

Ipinagawa ito ni Odysseus sa isang Griyegong manlililok. Pagkayari, lumulan sa loob nito ang pinakamatatapang sa mga mandirigmang Griyego, habang sumakay naman ang iba sa mga bangka at naglayag patungo sa Troya. Nang matanaw ng mga Troyano ang kabayong kahoy, inisip ng mga ito na sumusuko na sa labanan ang mga Griyego. May mga nag-isip din isa itong alay na pangkapayapaan na ibig dalhin ng mga Griyego, papasok sa mga tarangkahan ng Troya. Dahil sa kalakihan ng sukat nito, kinailangan buwagin ng mga Troyano ang bahagi ng pader na nakapaligid sa Troya. Hinilang papasok sa Troya ang kabayong kahoy, at nagalak ang mga taga-Troya. Sa pagtulog ng mga mamamayan ng Troya, gumapang palabas sa kahoy na kabayo ang mga Griyegong kawal na lulan nito. Nilusob nila ang mga kaaway na Troyano. Dumating ang mga barkong Griyego at natupok sa apoy ng labanan ang buong Troya.