Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Kumuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong impormasyon. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

ano ang paninindigan ng
munting prinsipe​

Sagot :

Answer:

Explanation:

PAGKILALA SA MAY AKDA

         Kahit ang kwentong “Ang Munting Prinsipe” ay isa lamang kathang-isip, ang mga naranasan ni Antoine de Saint-Exupery bilang isang piloto ay naging inspirasyon upang isulat niya ang akda. Nagsimula ang istorya sa pagbagsak ng eroplano kung saan nakilala ng tagapagsalaysay ang pangunahing tauhan, ay sumasalamin sa totoong kasawian na nag-iwan sa may akda sa Sahara noong kalagitnaan ng 1930s habang siya ay patungo sa Saigon mula Paris para sa isang airmail run. Kalaunan ay sinabi sa TIME, “Base sa katangian, habang naghihintay ng magsasagip sa disyerto, sinamahan siya ng kanyang imahinasyon, na nag-udyok sa kanya upang gawin and kasiya-siyang pambatang akda, Ang Munting Prinsipe.” Siya’y nagpalakad-lakad sa disyerto bago siya masagip ng dumadaang Bedouin.

         Bago humantong sa pagsulat ng Ang Munting Prinsipe, inilarawan niya ang kanyang naging pagsubok sa librong “Wind, Sand, and Stars”. Ang matinding naranasan niya sa disyerto ay nauwi sa maraming guni-guni at haka-hakang pagkatagpo sa mga kakaibang nilalang. (“Lumakad akong nakatingin sa ibaba”, sabi niya, “sa pagkat ang aking mga nakikita ay hindi ko na kinakaya.”) Ngunit ang librong Wind, Sand, and Stars ay nagsasabi nang higit pa sa inspirasyon ng Ang Munting Prinsipe. Ipinaliwanag din ng TIME noong 1939 sa kanilang pagsusuri sa aklat na may mga pahiwatig sa pilosopiya na makakatulong sa akda bilang maging isa sa pangmatagalang pabula ng dalawampung siglo.

URI NG PANITIKAN

 

         Isinulat ng may-akda ang mahabang piksyon bilang isang nobela kung saan ito ay nahati sa iba’t ibang kabanata. Gumamit ito ng malikhain at maguni-guning paglalahad upang pumukaw ng damdamin ng mambabasa para ito’y maging kawili-wili. Ito ay mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila.

         Ito ay naglalayong gumising ng diwa at damdamin ng mambabasa gayundin ang manawagan sa talino at guni-guni, mapukaw ang damdamin ng mambabasa, magbigay ng aral, magsilbing daan tungo sa pagbabago, at higit sa lahat, magbigay ng inspirasyon sa mambabasa.

LAYUNIN NG AKDA

         Ang layunin ng may-akda ay matutuhan ng mga mambabasa na kailanman ay hindi aksidente ang pagkakaibigan. Na sa kabila ng pagkakaparepareho, may isang tao o bagay ang mananatiling natatangi para sayo dahil ito ay may kakaibang taglay na halaga para sayo.

         Sabi nga ng alamid, “Narito ang lihim ko. Napakasimple nito: sa pamamagitan ng puso, makakakitang mabuti. Hindi kita ng mata ang pinakapuso ng mga bagay.” Nais nitong ipaalam sa mga mambabasa na ang mga mahahalagang bagay sa buhay ay hindi nahahawakan o nakikita kundi nararamdaman ng puso.

Salamat sa pagtitiwala sa amin sa iyong mga katanungan. Narito kami upang tulungan kang makahanap ng tumpak na mga sagot nang mabilis at mahusay. Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Nagagalak kaming sagutin ang iyong mga tanong. Bumalik sa Imhr.ca para sa higit pang mga sagot.