Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na solusyon para sa mga naghahanap ng mabilis at tumpak na mga sagot sa kanilang mga katanungan. Sumali sa aming Q&A platform at makakuha ng eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal.

ano ang ibig sabihin ng cabeza de barangay

Sagot :

Ang cabeza de barangay ay ang pinuno ng baryo noong panahon ng mga Kastila. Sila ang pumalit sa mga pinunong datu at katumbas ngayon ng kapitan ng barangay. 

Tinatawag ding Teniente del Barrio, siya ay maaari lamang magmula sa mga prinsipalya o mag-anak ng mga datu at mayayamang pamilyang mestisong Tsino at Espanyol.

Marami ang katungkulan ng isang cabeza de barangay. Siya ang pangunahing tagapamahala sa mga nayon, tagakolekta ng mga buwis, at tagatipon ng mga trabahador mula sa mga karaniwang tao para sa pamahalaang Espanyol.