Ibig Sabihin Ng Iminungkahi
Ang salitang iminungkahi ay may salitang ugat na mungkahi. Ang ibig sabihin nito ay ang pagbibigay ng panukala o plano tungkol sa isang paksa. Ito ang pagbabahagi ng isang kaisipan o konsepto na naaayon sa paniniwala ng tao. Ang pagbibigay ng mungkahi ay naaayon sa ikabubuti ng isang bagay. Sa Ingles, ito'y suggested o proposed.
Mga Halimbawang Pangungusap
Gamitin natin sa ilang pangungusap ang salitang iminungkahi para mas maintindihan ito. Narito ang mga halimbawa:
- Iminungkahi ng mga tao na magkaroon ng ilaw sa bawat kanto ng kalsada dahil napakadilim kung gabi.
- Marami ang natuwa sa iminungkahi ni Mayor na lahat ay dapat makatatanggap ng pinansyal na tulong mula sa gobyerno bunsod ng pandemya, mahirap man o mayaman.
- Iminungkahi ng mga magulang ang proyekto tungkol sa pagkakaroon ng CR sa bawat silid-aralan upang maiwasan ang paglalabas ng mga bata.
Kahulugan ng panukala:
https://brainly.ph/question/297778
#LearnWithBrainly