ang payak na pangungusap ay binubuo ng simuno at panaguri na nagsasaad ng diwa...
una kailangan muna nating malaman kung ano ang simuno at kung ano ang panaguri:
ang SIMUNO ay ang TINUTUKOY sa pangungusap
samantalang ang PANAGURI naman ay ang salitang TUMUTUKOY sa simuno..
ang payak na pangungusap ay maaaring may:
PAYAK NA SIMUNO AT PAYAK NA PANAGURI: ito ay kapag ang pangungusap ay may isang simuno at isang panaguri
HAL.: Si Ana ay mabait
PAYAK NA SIMUNO AT TAMBALANG PANAGURI:ito ay kapag ang pangungusap ay may isang simuno at dalawang panaguri
HAL.: Si Ana ay mabait at matalino
TAMBALANG SIMUNO AT PAYAK NA PANAGURI:ito ay kapag ang pangungusap ay may dalawang simuno at isang panaguri
HAL.:Si Ana at Marie ay mabait
TAMBALANG SIMUNO AT TAMBALANG PANAGURI:ito naman ay kapag ang pangungusap ay may dalawang simuno at dalawa ring panaguri
HAL.:Si Ana at Marie ay mabait at matalino
.