Answer:
Ano ang disiplinang pansarili (3lines)
Ang disiplinang pangsarili ay ang pagtatakda ng isang tao sa kanyang sarili ng mga alituntunin na dapat niyang gawin at sundin na alam niyang makabubuti iyon para sa kanyang sarili. Mga batas na sarili niyang gawa na alam niyang hahamon sa kanyang pagkatao para gumawa ng mga bagay na alam mong kapakipakinabang at magiging daan para sa pag unlad ng iyong sarili na magdudulot din ng kabutihan para sa iyong kapuwa, Lahat naman ng bawat tao ay may karapatan na magtakda ng mga dapat nilang gawin at hindi dapat gawin sapagkat bilang tao alam natin ang mga bagay na mali at tama.
Mga kahalagahan ng disiplina
Kung may disiplina ka sa iyong mga ginagawa tiyak na matatapos mo ito sa takdang oras.
Kung may disiplina ka sa iyong trabaho tiyak na makakamit mo ang promosyon na inaasam mo
Kung may disiplina ka sa pag aaral tiyak na makakamit mo ang mga pangarap mo.
Kung may disiplina ka sa pagkain tiyak na magkakaroon ka ng mas mabuting kalusugan.
Explanation: