Ang Imhr.ca ay tumutulong sa iyo na makahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan mula sa isang komunidad ng mga eksperto. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.

Panuto: Sumulat ng isang Editoryal na naghihikayat gamit ang mga pahayag
na nanghihikayat. Isulat ito sa short bondpaper.
Bumuo ka ng isang editoryal na nanghihikayat upang makumbinsi o
mahikayat mo ang mga mambabasang makiisang labanan ang Covid-
19. Gumamit ka ng mga pahayag na nanghihikayat at sundan mo rin ang mga
tuntuning dapat sundin sa pagsulat ng pangulong tudling na tinalakay


Sagot :

Answer:

PAGGAMIT NG MGA FACE MASK SA KOMUNIDAD

Ano ang coronavirus

Ang coronavirus (COVID-19) ay isang impeksyon sa baga na kumakalat sa mga tao sa pamamagitan ng mga maliliit na patak mula sa pag-ubo o pagbahin ng isang taong may impeksyon.

Ito ay maikakalat din sa pamamagitan ng paghawak sa mga bagay o ibabaw ng mga bagay na may maliliit na mga patak na galing sa taong may impeksyon, at pagkatapos ay hihipuin mo ang iyong bibig o mukha.

Dapat ba akong magsuot ng mask?

Sa bilis ng pagdami ng COVID-19 sa ilang mga bahagi ng Australya, ang ilan sa atin ay kailangan na ngayong magsuot ng face mask sa publiko – ito ay iniuutos o inirerekomenda. Mahalaga na magsapanahon ka sa mga payo sa inyong lokal na pook. Kung ikaw ay nasa isang pook kung saan inabisuhan kayo na dapat o kailangang magsuot ng mask sa publiko, mangyaring sundin ang kanilang mga iniaatas. Laging tingnan ang mga website ng mga pamahalaang estado o teritoryo o bumisita sa Australia.gov.au.

Mangyaring tandaan, ang mga mask ay nakakatulong upang pigilan ang mga tao na may virus na maipasa ito sa iba pa sa komunidad. Mangyaring tandaan na ang mga mask ay mabisa lamang kapag ginagamit kaagapay ng iba pang mga hakbang sa pagkontrol ng impeksyon.

Kahit na may suot kang face mask, dapat mong sundin ang pisikal na pagdistansya, wastong kalinisan ng kamay at paghinga, at manatili sa bahay kapag may sakit.

Paano ko gagamitin nang wasto ang aking mask?

Mahalagang isuot nang wasto ng mask upang maiwasan ang panganib ng impeksyon sa iyo at sa iba pa. Ang paghipo o pagtanggal ng mask ay maaaring makakontamina sa iyong mga kamay.

Mangyaring hugasan ang iyong mga kamay bago mo isuot ang mask, kaagad matapos mong tanggalin ito, at tuwing hihipuin mo kapag nakasuot ito.

Kapag suot ang mask, siguruhing natatakpan nito ang iyong ilong at bibig at nakahapit sa ilalim ng iyong baba, sa ibabaw ng balingusan (bridge)ng iyong ilong, at sa gilid ng iyong mukha.

Huwag itong hayaang nakasabit sa iyong leeg, at mangyaring sikapin na huwag hipuin ang harapan ng iyong mask sa anumang oras. Kung magiging mamasa-masa ang iyong mask, kailangan mo itong palitan.

Ano ang gagawin ko sa mask matapos ko itong gamitin?

Kung ang iyong mask ay pang-minsanang gamit lamang, minsan mo lamang ito isuot at pagkatapos ay itapon ito sa basurahan.

Kung mayroon kang mask na yari sa tela na magagamit nang paulit-ulit, ilagay mo ito sa isang bag na plastik hanggang sa malabhan mo ito.

Ang mga mask na yari sa tela ay malalabhan sa washing machine kasama ng iba pang mga damit.

Maaari mo rin itong labhan sa kamay gamit ang sabon at ang pinakamainit na angkop na setting sa tubig para sa klase ng tela nito.

Lubos na patuyuin ang telang mask sa clothes dryer o sa hangin bago mo ito gamiting muli.

Manatiling walang COVID

Upang protektahan ang ating mga komunidad, lahat ay dapat patuloy na gawin ang tatlong pinakamahalagang mga bagay upang pigilan ang pagkalat ng virus:

• Lumayo ng mga 1.5 metro mula sa iba kailanman at saanman natin makakaya.

• Ugaliin ang wastong kalinisan sa pamamagitan ng madalas na paghuhugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig. Kung walang sabon at tubig, gumamit ng panlinis ng kamay na may taglay na alkohol. Huwag hipuin ang iyong mukha, at tandaang umubo at bumahin sa iyong braso sa halip na sa iyong kamay.

• I-download ang COVIDSafe app. Ang app ay tumutulong sa pagtunton ng mga tao na nakakontak mo nang malapitan.

Ngayon higit pa sa lahat, mahalaga na manatili sa bahay kung ikaw ay may sipon o may mga sintomas na tila-trangkaso. Kung ikaw ay may lagnat, ubo, masakit na lalamunan o pangangapos ng hininga, magpa-test ka para sa coronavirus. Magagawa nating lahat ang ating makakaya upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Mga update sa COVIDSafe app

Dagdag pa sa Ingles, ang COVIDSafe app ay makukuha na ngayon sa wikang Arabe, Simplified at Tradisyonal na Intsik, Vietnamese at Koreano. Ang app ay makukuha rin sa mga wikang Italyano at Griyego sa darating na mga araw.

Ang COVIDSafe app ay tutulong sa mga opisyal ng pampublikong kalusugan upang abisuhan ang mga tao na nagkaroon ng kontak sa isang tao na may COVID-19. Kung nai-download mo na ang app, mapipili mong bigyan ang mga pangkalusugang opisyal ng access sa impormasyong nasa app. Ito ay magpapahintulot sa kanila na mabilis makilala at makontak ang tamang mga tao at mahadlangan ang pagkalat ng virus.