Answer:
Sa kasalukuyan maraming suliranin at isyu ang kinakaharap ng ating mga manggagawa, para sa akin ay ito ang mga nagiging dahilan ng suliraning ito,
1. Diskriminasyon o di pantay na pagtrato ng mga manggagawa
2. Sobrang pagtatrabaho o overtime ngunit hindi nababayaran
3. Kakulangan sa mga benepisyong tintatanggap
4. Mababang pasahod
5. Mas napapaboran ang mga regular workers kung minsan
Ngunit higit sa lahat, maituturing kong dahil sa kapabayaan ng pamahalaan lalong-lalo na ng mga sangay nito sa paggawa ay mas dumadami ang suliranin hinggil sa paggawa. Bagkus ang mga Pilipino ay hindi naman aaksyon kagaya ng kontraktwalisasyon kung may sapat na trabaho at pagkakakitaan sa bansa. Sa pagtatapos, ang kakulangan ng pagbibigay ng trabaho sa Pilipinas at pagsasawalang-kibo ng gobyerno ang maituturing kong pinakamalakas na dahilan.