Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga propesyonal sa aming platform. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

ano ang ibig sabihin ng komisyong schurman

Sagot :

Answer:

Komisyong Schurman

Ang komisyong schurman, kilala rin sa tawag na First Philippine Commission, ang unang komisyong Amerikano na ipinadala sa PIlipinas. Pinamumunuan ito ni Jacob Schurman. Layunin ng KOmisyong ito na siyasatin at alamin ang kalagayan ng Pilipinas upang maging batayan ng mga planong pagbabago na gagawin ng United States. Hangad din ng komisyong ito na ipaalam sa mga Pilipino ang layunin ng United States na tulungan ang Pilipinas na magtatag ng isang pamahalaan. Nais din nito na maging maayos ang ugnayan ng mga Amerikano at mga Pilipino dahil malaki ang maitutulong nila sa paglaganap ng kanilang kapangyarihan sa Asia.

Komisyong Taft

Ang Komisyong Taft, kilala rin bilang Ikalawang Komisyong Pilipino, ay ang komisyong itinatag noong 16 Marso 1900 na nagpasimula sa pagtatayo ng pamahalaang sibil sa Pilipinas noong panahon ng pagsakop ng Estados Unidos, sa utos ni Pangulong William McKinley. Sa panahon ng pag-iral ito, nagsilbi bilang tagapagbatas ng Pilipinas ang Komisyon sa ilalim ng soberanya ng Estados Unidos sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano.

Answer:

Ang komisyong schurman ,kilala rin sa tawag na First Philippine Commission,ang unang komisyong Amerikano na ipinadala sa PIlipinas.Pinamumunuan ito ni Jacob Schurman.

Layunin ng Komisyong ito na siyasatin at alamin ang kalagayan ng Pilipinas upang maging batayan ng mga planong pagbabago na gagawin ng United States.Hangad din ng komisyong ito na ipaalam sa mga Pilipino ang layunin ng United States na tulungan ang Pilipinas na magtatag ng isang pamahalaan.Nais din nito na maging maayos ang ugnayan ng mga Amerikano at mga Pilipino dahil malaki ang maitutulong nila sa paglaganap ng kanilang kapangyarihan sa Asia.

Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa higit pang tumpak na mga sagot at napapanahong impormasyon. Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli ang Imhr.ca para sa pinakabagong sagot at impormasyon mula sa aming mga eksperto.