Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Maranasan ang kaginhawaan ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa aming platform. Tuklasin ang detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

Ano po ba ang paghahambing ng katangiang pisikal ng asya?

Sagot :

sila ay pareparehong nsa asya

Magkakaiba ang likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya. May malawak na damuhan na mainam pagpastulan ng mga alagang hayop ang Hilagang Asya bagamat dahil sa tindi ng lamig dito ay halos walang punong nabubuhay. Ang mga troso mula sa Siberia ang tanging yamang gubat sa rehiyong ito. Sa yamang pangisdaan, produktong panluwas ng rehiyon ang caviar (itlog) ng mga sturgeon, ang malalaking isdang likas dito. Tinatayang pinakamalaki sa mundo ang deposito ng ginto sa Kyrgyzstan, samantalang ang Tajikistan ay may tatlong uri ng yamang mineral; ang metalikong mineral tulad ng ginto, mineral na panggatong tulad ng natural gas, at industriyal na mineral tulad ng phosphate. Pangunahing industriya ng Turkmenistan ang natural gas, pangalawa sa Russia sa produksyon nito, at langis, samantalang isa sa mga nagunguna sa produksyon ng ginto sa buong mundo ang Uzbekistan. Sa mga lambak-ilog at sa mabababang burol ng mga bundok may produksyon ng pagkaing butil na nakatuon sa pagtatanim ng trigo, palay at barley, gayundin ng bulak, gulay, tabako, sugar beets, sibuyas, ubas at mansanas. Sa pag-aalaga at pagpaparami ng mga hayop tulad ng baka at tupa nagkakaroon ang mga tao ng lana, karne at gatas. Sa Timog Silangang Asya, nasa mga lupain ng Myanmar at Brunei ang malalawak na kagubatan. Tinatayang nasa 84% ng kagubatan sa Brunei ang nagsisilbing panirahan ng iba’t-ibang uri ng unggoy, ibon at reptile. Sa kagubatan ng Myanmar matatagpuan ang pinakamaraming punong teak sa buong mundo, samantalang ang maraming punong palm at matitigas na kahoy gaya ng apitong, yakal, lauan, kamagong, ipil, pulang narra, mayapis at iba’t ibang species ng dapo ay nasa kagubatan ng Pilipinas. Matatagpuan sa mga lambak ng Irrawaddy River at Sittang River ang pinakamatabang lupa sa Myanmar. Sa Cambodia, ito ay sa paligid ng Mekong River at Tonle Sap. May iba’t ibang pananim sa rehiyon. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nangunguna sa buong daigdig sa produksyon ng langis ng niyog at kopra. Ang kalabaw, baka, baboy, kabayo, kambing at manok ang karaniwang inaalagaang hayop sa rehiyon. Sa yamang mineral, malaki ang deposito ng langis at natural gas sa Indonesia at ang mahigit sa 80% ng langis sa Timog Silangang Asya ay nanggagaling sa bansang ito, gayundin ang mahigit sa 35% ng liquefied gas sa buong daigdig. Liquefied gas din ang pangunahing mineral ng Malaysia habang tanso naman ang sa Pilipinas. Ang malalaking ilog ay pinagtatayuan ng dam ng ilang mga bansa at nililinang para sa hydroelectric power na siya namang pinagkukunan ng kuryente. Ang mga bansang China, North Korea at Tibet ay mayaman sa depositing mineral. Nasa China ang pinakamalaking reserba ng antimony, magnesium, at tungsten sa buong daigdig, gayundin ang reserba ng karbon dito na isa sa mga pinakamalaki sa buong daigdig. Salat sa yamang mineral ang Japan bagamat nangunguna ang bansang ito sa industriyalisasyon. Gayunpaman, nagtatanim sila ng mga punong mulberry upang maging pagkain ng mga silkwork kaya nangunguna ang Japan sa industriya ng telang sutla. Ang yamang lupa ng Silangang Asya ay matatagpuan sa iba’t ibang anyo nito, maliban lamang sa mabuhangin o tigang na lupa sa Mongolia. Sakop ng China ang 7% ng lupa sa buong mundo na maaaring bungkalin at ito’y pinagtataniman ng iba’t ibang uri ng pananim. Pangunahing pananim nito ang palay, at siyang nangunguna sa produksiyon nito sa buong mundo. Ang ilang mga bahagi ng Silangang Asya ay nakatuon din sa pagtatanim at paghahayupan. Sa China at sa ibang mga bansa ng rehiyon, ang malalaking hayop ay ginagamit din bilang katulong sa paghahanapbuhay. Ang mga anyong tubig ay nililinang din para sa kapakinabangan ng mga nakatira rito. 61   Ang Kanlurang Asya ay sagana sa yamang mineral partikular na sa langis at petrolyo. Pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong daigdig ang Saudi Arabia, at malaki rin ang produksyon ng langis ng mga bansang Iran, Iraq, United Arab Emirates (UAE), Kuwait, at Oman. Karamihan sa mga bansa ng rehiyong ito ay may natural gas, tanso, bauxite, potash, zinc, magnesium, phosphate, at iba pa. Sa agrikultura, nagtatanim ang mga taga-Kanlurang Asya ng trigo at barley sa mga oasis. Pangunahing produkto sa Iran ang trigo, barley, palay, bulak, mais tabako, at mga prutas. Nangunguna naman ang Iraq sa produksyon ng dates at dalandan, ang Israel. Paghahayupan ang karaniwang gawain ng mga taong naninirahan sa mga lugar na bulubundukin at sa mga disyerto sa Iran, Iraq, Syria, Saudi Arabia at Turkey.


Bisitahin muli kami para sa mga pinakabagong at maaasahang mga sagot. Lagi kaming handang tulungan ka sa iyong mga pangangailangan sa impormasyon. Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Lagi kaming narito upang mag-alok ng tumpak at maaasahang mga sagot. Bumalik anumang oras. Bisitahin ang Imhr.ca para sa mga bago at kapani-paniwalang sagot mula sa aming mga eksperto.