Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na Q&A platform. Kumuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong impormasyon. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

Pari at obispo at arsobispo

Sagot :

Answer:

Ang Romano Katoliko ay isang nag-aangking Kristyano. Makikita ang tungkulin ng arsopbispo, obispo at pari. Makikita sila sa mga pangunahing balita tungkol sa Simbahan. Makikita din sila sa kanilang kasuotang taglay. Taglay ng kanilang teokratikong pananagutan ang buong Katolisismo.

Ano ang tungkulin ng arsobispo? Ang arsobíspo ay isang miyembro ng kaparian na may mas mataas na ranggo at katungkulan kaysa mga regular na obíspo. Karaniwang siyá ang namumunò sa isang mahalaga o pangunahing diyosesis, at bunga ng lawak o pagiging makasaysayan nitó ay tinatawag na artsidiyosesis. Siyá rin ang namumunò sa mga obispo ng nasasakupan niyang artsidiyosesis.  brainly.ph/question/1081456

Bagaman walang pagkakaiba ang opisyal na kasuotan ng arsobispo at ng obispo, ang mga arsobispo ng mga arkidiyosesis ay nakikilála sa mga maliturhiyang seremonya gamit ang palyum. Ang arsobispo ay karaniwang may eklesyastikong sombrero na may sampung kalapay sa magkabilang gilid, samantalang ang obispo naman ay may eklesyastikong sombrero na may anim na kalapay.

Paano naman ilarawan ang tungkulin ng obispo? Sa Simbahang Katolika (brainly.ph/question/1099334), ang Obispo ay isang nakalaan na ministro na humahawak sa lahat ng tungkulin ng Sakramentong Banal na Utos at may pananagutan sa pag-turo ng pananampalatayang Katoliko at sa paghawak ng Simabahan.

Ang pagkabakante ng puwesto ng arsobispo ay pinupunan sa paraang katulad ng pagpunô sa nawalang regular na obispo. Maaaring ito ay sa pamamaraan ng eleksiyon, presentasyon o nominasyon, o direktang paghirang ng Papa (brainly.ph/question/1008690). Kung ang nahirang na bagong arsobispo ay isang pari, siyá ay makatatanggap ng episkopal na konsekrasyon. Kung ang nahirang naman ay isa nang obispo, siyá ay mataimtim na itatalaga sa kaniyang bagong opisina. Ngunit hindi ang konsekrasyon o ang pagtatalaga ang magsasabi na isa na siyáng ganap na arsobispo. Bagkus ito ay ang kaniyang pagkahirang na mamunò sa isang artsidiyosesis.

Ano ang tungkulin ng pari? Ang pari ay isang alagad ng Simbahan o isang taong nagsasakripisyo at nagdarasal sa Diyos para sa mga tao. Sa sinaunang Israel, kinakailangan isinilang mula sa tribo ni Levi ang isang pari. Kadalasa’y hindi kasama rito ang makasaserdoteng pamilya ni Aaron. Tanging ang mga lalaking miyembro ng pamilya ni Aaron ang nanunungkulan noon bilang mga saserdote, samantalang ang iba pang miyembro ng tribo, yaong mga Levita, ay naglilingkod bilang kanilang mga katulong. Nagsimula ang kaayusang ito noong maitayo ang tabernakulo, yamang bago nito ay walang partikular na pamilya o tribo ang inatasan bilang tagapaghandog ng mga hain.

Sa pagsapit ng unang siglo C.E., ang mga nagtapos sa mga paaralan ng mga Fariseo ay nakilala bilang mga guro, o mga maestro, ng kautusang Judio. Bilang tanda ng paggalang, sila ay sinimulang tukuyin ng ibang mga Judio bilang “aking guro,” o “aking maestro,” na sa Hebreo ay rabbi.

Ang pagkakaroon ng isang posisyon sa relihiyon ay dapat na isang pagtatanghal ng paglilingkod sa iba hindi upang paglingkuran siya gaya ng ginawa ni Jesus at itinuro niya dito sa Lupa. Mateo 20:28

Pangunahin ng tinutukoy ng Banal na Kasulatan si Jesus bilang ang piniling Mataas na Saserdote (o Pari) na siyang may kakayanan at kapangyarihan na mamagitan sa tao at sa Diyos. Inukol niya ang huling bahagi ng buhay niya dito sa Lupa upang magturo ng katotohanan tungkol sa kaniyang makalangit na Ama. Sa pamamagitan ng kaniyang talambuhay na mababasa sa apat na ebanghelyo: Mateo, Marcos, Lucas at Juan, mas makikilala natin ang personalidad at gawain ng kaniyang Ama sa langit!

Explanation: