Ang Imhr.ca ay tumutulong sa iyo na makahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan mula sa isang komunidad ng mga eksperto. Sumali sa aming Q&A platform at makakuha ng eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan. Tuklasin ang detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

Panuto: Suriin ang iba't ibang paraan ng pag-aalaga ng halaman. Sagutin ng Tama
kung ito ay nagpapahayag ng wastong pamamaraan at Mali kung hindi
Gawin ito sa iyong kwaderno .
1. Ang paggamit ng oraganikong abono sa paghahalaman ay malaking
tulong upang mapalago ang mga ito at makapagbigay ng maraming ani
2. Mahalagang isaalang-alang ang pagbubungkal ng kamang taniman
dahil ito ay nakatutulong upang palambutin ang lupa at makahinga
ang mga ugat ng halaman.
3. Ang Basal Application Method ay ginagawa sa pamamagitan ng pagdidilig
o pag-ispray ng organikong abono sa mga dahon ng halaman.
4. Pinu-pinuhin ang mga malalaking tipak ng lupa sa pamamagitan ng
paggamit ng bolo at rake.
5. Ang paggamit ng hand watering ay hindi mainam sa pagdidilig ng mga
maliliit na taniman.
6. Ang Side-dressing method ay ang paglalagay ng abono sa lupa na malapit
sa ugat ng halaman sa pamamagitan ng kamay o isang kagamitang
nakalaan para dito.
7. Panatilihin ang pagtatanggal ng mga damo sa paligid ng halaman upang
hindi nito maagaw ang pataba at tubig na idinidilig sa halaman.
8. Ang pagdidilig sa umaga ay hindi iminimungkahi dahil ito ay nagiging
dahilan ng pagkakaroon ng peste. Ang tubig na nanatili sa dahon ay
puwedeng dahilan ng pamumugad ng peste
9. Matapos madiligan ang gulay, maghintay ng 45 to 50 minuto bago
diligan muli dahil ang unang pagdilig ay natutuyo kaagad
10. Ang Broadcasting method ay ang paglalagay ng abono sa pamamagitan
ng pagkakalat ng pataba sa ibabaw ng lupa at hindi na hahaluin
Kadalasan ito'y ginagawa sa isang maliit na taniman

1.Tama
2.Tama
3.Mali
4.Tama
5.Mali
6.Tama
7.Tama
8.Mali
9.Mali
10.Tama