Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinaka-mapagkakatiwalaang Q&A platform para sa lahat ng iyong pangangailangan. Tuklasin ang detalyadong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform.
Sagot :
Answer:
Ang sumusunod ay mga pagpapahalagang dapat linangin ng bawat Pilipino upang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan.
1. Pagpapahalaga sa buhay.
- Ang paggalang sa buhay ay isang moral na obligasyon sa diyos ng bawat isa dahil ang buhay ay mula sa kaniya kaya’t walang sinuman ang maaaring bumawi o kumuha nito kundi siya.
2. Katotohanan
- Hindi kailanman matatawaran ang integridad at hindi mapagkunwari, tumanggi sa anumang bagay na di ayon sa katotohanan, kasama rito ang walang kapaguran at matiyagang paghahanap ng lahat ng uri ng kaalaman.
- 3. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa Ang pagpapakita ng malasakit sa kapuwa ay sa pamamagitan ng pagtulong na walang hinihintay na kapalit. Kasana sa responsibilidad ng isang indibidwal ang tulungan at ipadama sa iba na sila ay bahagi ng ating pagkatao bilang kapuwa tao.
4. Pananampalataya
- Ang pagtitiwala at pagmamahal sa Diyos , na ang lahat ay makakaya at posible.
5. Paggalang
- Ang paggalang bilang elemento na bumubuo sa kabutihanng panlahat, naipakikita kapag ang karapatan ng isang mamamayan ay indi natatapakan at naisasabuhay ayon sa tamang gamit nito at napangangalagaan ang dignidad niya bilang tao.
6. Katarungan
- Sinesegurado na ang paggalang sa karapatan ng bawat isa ay naisasabuhay, naibibigay sa isang tao kung ano ang para sa kaniya at para sa iba, hindi nagmamalabis o nandaraya sa kapuwa.
7. Kapayapaan
- Ang resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan, at kawalan ng kaguluhan.
8. Kaayusan
- Ang pagiging organisado ng ideya, salita, kilos na may layuning mapabuti ang ugnayan sa kapuwa.
9. Pagkalinga sa pamilya at salinlahi
- Ang pangingibabaw ng papel ng pamilya bilang pangunahing institusyon ng lipunan na siyang tutugon sa pag-unlad na inaasam sa ikabubuti ng lahat.
10. Kasipagan
- Ang pagiging matiyaga na tapusin ang anumang uri ng Gawain nang buong husay at may pagmamahal.
11. Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran
- Ang pagsasabuhay ng responsibilidad bilang tagapangalaga ng kalikasan at ng mga bagay na nilikha ng diyos laban sa anumang uri ng pang-aabuso o pagkawasak.
12. Pagkakaisa
- Ang pakikipagtulungan ng bawat indibidwal na mapag-isa ang naisin at saloobin para sa iisang layunin.
13. Kabayanihan
- Sinasagot nito ang tanong na: Ano ang magagawa ko para sa bayan at sa kapuwa ko?
14. Kalayaan
- Ang pagiging Malaya na gumawa ng mabuti, mga katanggap-taanggap na kilos na ayon sa batas na ipinapatupad bilang pagsasabuhay ng tungkulin ng isang taong may dignidad.
15. Pagsunod sa batas
- Ang pagkilala, paghihikayat, at pakikibahagi sa pagsasabuhay ng mga ipinasang batas na mangangalaga sa karapatan ng bawat mamamayan.
16. Pagsusulong ng kabutihang panlahat
- Ang sama-samang pagkilos upang mahikayat ang lahat na lumahok sa mga pagkakataong kinakailangan para sa ikabubuti hindi lamag sa sarili, pamilya kundi ng lahat.
Bisitahin muli kami para sa mga pinakabagong at maaasahang mga sagot. Lagi kaming handang tulungan ka sa iyong mga pangangailangan sa impormasyon. Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Mahalaga ang iyong kaalaman. Bumalik sa Imhr.ca para sa higit pang mga sagot at impormasyon.