Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal. Maranasan ang kaginhawaan ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa aming platform.
Sagot :
50 Halimbawa ng Salitang Kolokyal:
- Ay Hesus! - aysus!
- Mayroon - meron
- Dalawa - dalwa
- Diyan - dyan
- Kwarta - pera
- Nasaan - nasan
- Paano - pano
- Sa Akin - sakin
- Kailan - kelan
- Kamusta - musta
- Ganoon - ganun
- Puwede - pede
- At saka - tsaka
- Kuwarto - kwarto
- Pahinge - penge
- Naroon - naron
- Inalisan - inalsan
- Kaunti - konti
- Beinte - bente
- Dalawampu - dalwampu
- Puwitan - pwetan
- Walang pakialam - lampaki o lampake
- Pakialam - paki
- Hindi ba? - diba?
- Eh 'di - edi
- Kinain - nakain
- Bakit? - ba't?
- Asong-kalye - askal
- Pusang-kalye - pusakal
- Pinsan - insan
- Kapisan - pisan
- Ayaw ko - ayoko
- Saan ba? - san ba?
- Piyesta - pista
- Ay, hintay! - antay!
- Inilaban - nilaban
- Ipinangako - pinangako
- Isinalba - sinalba
- Ipinahiya - pinahiya
- Ikinuwento - ikinwento
- Ikinuwenta - kinwenta
- Pang-madalian - panandalian
- Ikinukubli - kinukubli
- Probinsyano - promdi
- Tatay - erpat
- Kabarikada - barkada
- Halika - lika
- Doon - dun
- Kani-kaniya - kanya-kanya
- Pulis - Parak
Kahulugan ng Kolokyal
Ang Kolokyal ay isang uri ng impormal na salita kung saan ginagamit natin itong pang- araw - araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar , bagama’t may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasabi .
Para sa dagdag kaalaman ukol sa Kolokyal ng salita tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/302536
Antas ng wika
- Kolokyal/pambansa - wikang ordinaryo na gamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at Filipino
- Kolokyalismong karaniwan - ginagamit na salitang may "Taglish"
- Kolokyalismong may talino - ito ay sa loob ng silid-aralan ginagamit.
- Lalawiganin/Panlalawigan - ito'y ang gamit na wika ng isang partikular na lugar o pook.
- Pabalbal/balbal (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan.
- Pampanitikan/panitikan - wikang may sinusunod na alituntunin o batas ng balarila at retorika.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa Antas ng Wika tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/1771265
Dalawang kategorya ng wika
Pormal - Ang pormal ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit ito sa mga usapang pormal. Narito ang mga uri nito:
- Pambansa o karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan.
- Pampanitikan o panretorika - mga salitang ginagamit sa mga akdang pampanitikan, karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining.
Impormal o di-pormal - Ang di-pormal ay karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan. Narito ang mga uri nito:
- Lalawiganin - mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang.
- Balbal - mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang nabuklat sa lansangan.
- Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong inpormal. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa Kategorya ng Wika tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/325220
Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik muli para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Maraming salamat sa paggamit ng Imhr.ca. Balik-balikan kami para sa mga kasagutan sa inyong mga tanong.