Subukin Natin
Gawaint: Subukin Mo!
Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na mga pangungusap. Piliin kung alin
dito ang nagpapakita ng pagpapaunlad ng ispiritwalidad. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Kailangan ng magdarasal sa inyong pagpupulong.
a Nagbulontaryo si Charice na magdasal
b. pinagsawalang bahala ni Eden ang narinig
c. Itinuro ni Amboy si Ben na magdasal
d. Kunwari ikaw ay natutulog
2. May pagdiriwang ang inyong relihiyon para pagpapaunlad ng kaalaman sa
pagbabasa ng Banal na Kasulatan.
a. Masayang makikilahok subalit hindi isasapuso
b Makikiisa sa pagdiriwang at magyaya ng ilang kasama na dumalo
c. Makikiisa sa pagdiriwang at magpapaganda habang nag-aaral ng kasalutan
d. Masayang makikiisa dahil kasama mo ang iyong crush
3. May usaping hinggil sa tamang kasuotan sa loob ng simbahan.
a. Isusuot pa rin ang gustong kasuotan.
b. ibabahagi ang saloobin at opinyon sa tamang kasuotan
C. sasabihan ang kaibigan na hindi maganda ang kasuotan niya
d. ibibigay ang opinyon ngunit magagalit sa mga nagpatupad ng kasuotan.
4. Nagtatakda ng oras ng pagdarasal ang inyong pamilya tuwing ika-anim ng gabi.
a. magkukunwaring masama ang pakiramdam
b. pipikit para di mapansin na naatasan kang manguna sa pagdarasal
c. magdasal ka ng taimtim sa kalooban nang mag-isa
d. makikibahagi sa pamilya sa sama-samang pagdarasal
5. Nais ni Gina na matamo ang tagumpay sa buhay.
a magsisikap subalit hindi na magdarasal
b. magsikap at sabayan ng pagdarasal
c. magdasal at magdasal na lang maghapon
d. magsikap lamang kung nakikita ng iba
help me