1.Nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa
itinatakda ng batas ay ang _________________.
A. pagkabanyaga C. pagkamamamayan
B. pagkamag-aaral D. pagkaturista
Quarter 4 Aralin 1
2. Ayon sa Artikulo IV , seksyon 1 ng Saligang Batas ng 1987 maituturing na
mamamayang Pilipino ang mga sumusunod maliban sa isa.
A. Mga ama lamang ang mamamayang Pilipino
B. Mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayang Pilipino ayon sa batas
ng naturalisasyon
C. Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987
noong Pebrero 2, 1987
D. Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 sa mga
inang Pilipino na pinili ang pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng 21
taong gulang
3. Ilang uri ang mamamayang Pilipino?
A. isa C. tatlo
B. dalawa D. apat
4. Ang uri ng mamamayan na maaring isa lamang sa kaniyang mga magulang ang
Pilipino o pareho ay _______________.
A. dayuhan C. magiting
B. likas D. naturalisado
5.Ang mga naturalisadong mamamayan ay _______________________ .
A. mga dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino dahil sa proseso
ng naturalisasyon.
B. mga mamamayang Pilipino na nangibang bansa at bumalik muli sa
bansa upang mamumuhay.
C. mga dating dayuhan na gustong maging mamamayang Pilipino at
matagal ng nagtatrabaho sa bansa.
D. mga dayuhan na gustong makapag-asawa ng Pilipino dahil gusto nilang
tumira sa bansa at maging mamamayang Pilipino.
6. Ang isang dayuhan ay maaaring maging mamamayang Pilipino sa pamamagitan
ng naturalisasyon ayon sa __________________ .
A. Commonwealth Act No. 375
B. Commonwealth Act No. 475
C. Commonwealth Act No. 575
D. Commonwealth Act No. 675
7. Mga katangian ng isang dayuhan na nais maging naturalisadong Pilipino
maliban sa isa.
A. Siya ay may mabuting pagkatao.
B. Ayaw niya ang kulturang Pilipino.
C. Naniniwala siya sa Saligang Batas ng Pilipinas.
D. Nakapagsasalita at nakasusulat siya ng wikang Pilipino.
8. Ang pagkamamamayan ay naayon sa lugar ng kaniyang kapanganakan
anuman ang pagkamamayan ng kanyang mga magulang.
A. Jus chico C. Jus sanguinis
B. Jus hombre D. Jus soli
9. Ang pagkamamamayan kung naayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga
magulang o isa man sa kanila ay ang _______________ .
A. Jus chico C. Jus sanguinis
B. Jus hombre D. Jus soli
10. Ito ang isang katangian ng isang dayuhan na nais maging naturalisadong
Pilipino.
A. Siya ay dalawampung taong gulang na.
B. Hindi siya naniniwala siya sa Saligang Batas ng Pilipinas.
C. Wala siyang hanapbuhay pero may ari-arian sa Pilipinas.
D. Pinag-aaral niya ang mga anak sa mga paaralang nagtuturo ng kultura
at kasaysayan ng Pilipinas.