Makakuha ng mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mabilis at tumpak na Q&A platform. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

panginabuhi sa zamboanga del sur​

Sagot :

pagsasaka

Zamboanga Peninsula

Ang rehiyong nasa katimugan ng Pilipinas ay ang Rehiyon IX.Ang Zamboanga del Norte,Zamboanga del Sur,Zamboanga Sibugay at Basilan ang bumubuo ng rehiyong ito.May apat itong Lungsod ang Dapitan,Dipolog,Pagadian at Zamboanga.Ang sukat ng buong rehiyon ay humigit kumulang sa 15,997.3 kilometrong parisukat.Ito ay mabundok na rehiyon at sa Zamboanga del Norte matatagpuan ang pinakamataas na bundok Dabiah.Matataas ang kinikita sa pagsasaka dahil sa kalakihan ng rehiyon subalit mababa ang establisyemento.Pangunahing hanapbuhay ng mga tao rito ang pangingisda lalo na sa Basilan.Sa Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte naman ay pagsasaka,paghahayupan at kaunting pangingisda.Hanapbuhay rin dito ang panghuhuli ng mga pawikan o pagong at ang pangongolekta ng mga itlog nito.Sa mga nakalipas na panahon dahil sa maraming suplay ng pangkagubatang produkto,nakilala ang rehiyon bilang angkatan ng mga kahoy.Sa kasalukuyan ang mga troso na mula pa noong unang panahon ay nanggagaling na sa matandang kagubatan ay unti unti na ring nawawala.Ang lungsod ng Zamboanga ang sentro ng kalakalan ng rehiyon.Ang Basilan ang itinuturing na may pinakamaraming produksyon ng goma sa buong mundo ng Pilipinas at ang Zamboanga del Sur naman ay kinilala sa pagtotroso.Ang Zamboanga na tinaguriang “Zambangan” na lalong kilala sa tawag na Lupain ng mga Bulaklak ay tinanghal bilang primera klaseng lungsod.Noong ika-6 ng Hulyo,1952 ang lupain ng mga bulaklak ay nahati sa dalawang probinsya ang Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur.Ang Zamboanga del Norte ay mayaman sa mga yamang mineral na kadalasan ay non-metallic .Ito ay mga durog na bato,asbestos ,buhangin,graba at iba pa.Dipolog ang kabisera ng lalawigan.May magaganda rin itong tanawin ang Aplaya o tabing dagat tulad ng Sinipang Bay at may mahiwagang kwebang matatagpuan dito tulad ng Manuban,Katipunan,Roxas at Labason.Isa sa mga mahalaga at makasaysayang lugar ng probinsya ay ang Dapitan Shrine kung saan pinatapon bago pinatay si Dr.Jose Rizal.Ang Zamboanga del Sur ay galing sa salitang Malay na ang ibig sabihin ay paso o lalagyan ng bulaklak.Pagadian City ang kabisera nito na mas kilala sa tawag na Little Hongkong ng Pilipinas dahil sa heograpikal na pagkakatulad ng lokasyon sa Hongkong.Naitatag ito sa bisa ng RA Blg. 711 noong Septyembre 17, 1952.Mayroon ding produksyon ng mineral ang lugar na ito pero karamihan ay metallic tulad ng aluminum,ginto,tanso,tingga,nickel,chromite,pyrite,hematitie, at zinc.Ang mga non-metallic naman ay uling,asin,lupa,buhanging,graba,asbestos,marmol,silica at iba pa.May magagandang tanawin dito tulad ng Pasonanca Park,ang tatlong daang taong Fort Pilar na kung saan naroon ang grotto ng Lady of Pilar,ang Sta.Cruz na isang islang may magagandang baybay-dagat at makukulay na mga korales at ang Barter Trade Market na bilihan ng mga gamit pang Muslim.Rehiyon ito ng magaganda at makukulay na mga vinta at layag.Matatagpuan sa rehiyon ng Tangway ng Zamboanga sa Mindanao ang Zamboanga Sibugay.Ipil ang kabisera nito.Ito ay ganap na naging lalawigan sa bisa ng Batas Republika Bilang 8973 noong 22 Pebrero 2001 at binubuo ng 16 munisiplidad.Ang ikahuli ay ang Basilan na matatagpuansa katimugang bahagi ng Zamboanga del Sur.Dati itong bahagi ng Zamboanga del Sur subalit ng lumaon ito’y inihiwalay sa pamamagitan ng Presidential Decree Blg.356 noong Disyembre 27, 1973.Ito ang pinakamaliit sa apat na lalawigan ng Rehiyon IX at binubuo ito ng tatlong munisipalidad ang Isabela,na siyang kabisera nito,Lamitan at Maluso.