Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto. Tuklasin ang isang kayamanan ng kaalaman mula sa mga propesyonal sa iba't ibang disiplina sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng tamang impormasyon.

kahalagahan ng agrikultura sa ekonomiya

Sagot :

Answer:

Mahalaga ang sektor ng agrikultura sa isang ekonomiya dahil malawak ang kontribusyon. Ito ang itinuturing na kaban o pinagkukunan ng pagkain ng isang ekonomiya sapagkat tinutugunan nito ang ating pangangailangan sa araw-araw.

Mayaman ang ating kagubatan sa iba’t ibang klaseng punungkahoy na ginagamit bilang materyal sa paggawa ng bahay, muwebles at iba pang bagay sa konstruksyon. Ginagawang muwebles ang ratan at ginagamit naman sa paggawa ng pintura ang dagta ng ilang kahoy. Ang kamoteng kahoy ay ginagawang pandikit. Ginagamit na hilaw na materyal sa mga pagkaing de-lata ang mga isda at karne mula sa baboy at baka. Maraming pang produkto ang agrikultura na ginagamit bilang hilaw na sangkap sa produksyon ng mga pinabrikang produktong may mataas na halaga.

Maraming mamamayan ang nabibigyan ng trabaho ng sektor ng agrikultura kaya naman hindi nawawalan ng pagkakakitaan ang mga taga-rural kahit pa nagpapakita ng pagbaba ang proposyon ng mga manggagawa. Dito inaasa ng maraming Pilipino ang kanilang ikabubuhay. Pinagkukunan din ito ng nga pondo sa pagtustos ng malakihang pangangapital ng isang lipunan. Pinagkukunan din ito ng kitang panlabas. Nagluluwas ang Pilipinas ng kopra, hipon, prutas, abaka, tabla at mga hilaw na sangkap upang maragdagan ang ating panlabas na kita. Nagsisilbi rin itong pamilihan ng mga produkto sa industriya,sa pagtaas ng kita ng mga magsasaka, nakabibili sila ng mga produktong ginagawa ng mga industriya tulad ng makinarya sa pagsasaka, abono, damit at dahil may tuwirang pamilihan ng mga industriya, tataas ang kita ng magiging matatag ang sektor ng industriya.

source:

http://filipinocorner.blogspot.com/2010/11/kahalagahan-ng-agrikultura-sa-isang.html