Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na Q&A platform. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal.

boud NG pelikulang Heneral luna​

Sagot :

Explanation:

Buod ng Pelikula

Ang pelikulang Heneral Luna ay umiikot sa buhay ni Heneral Antonio Luna – ang isa sa pinakamahusay na heneral na namuno sa mga Pilipino sa digmaan laban sa mga Amerikano. Ang kwento ay nagsimula nang magkaroon ng pagtatalo ang mga opisyales sa kanilang cabinet meeting.Kasama rito sina Emilio Aguinaldo na pangulo noong panahon na iyon, Apolinario Mabini, Heneral Mascardo, Felipe Buencamino, Pedro Paterno at si Heneral Antonio Luna. Ang ibang opisyales ay pinaniniwalaang ang mga Amerikano ay makatutulong upang tumaas ang ekonomiya ng Pilipinas habang ang iba naman ay pinaniniwalaang ang mga Amerikano ay ang magiging dahilan ng pagbagsak ng Pilipinas tulad na lang ni Heneral Luna. Makalipas ang ilang araw, pinuntahan ng mga sundalong Pilipino ang lugar ng mga sundalong Amerikano at biglang pinutukan ng Amerika ang mgaPilipino. Dahil dito, pinamunuan ni Heneral Luna ang mga digmaan laban sa Amerika at ito ay nagpatuloy sa mahabang panahon. Sa mga digmaang ito, maraming Pilipino ang namatay at marami rin ang tumakas na sundalo dahil sa katakutang mamatay. Dahil dito, nag-utos si Heneral Luna na magpadala ang ibang lugar ng mga Pilipino na maaaring sumali sa digmaan. Isa sa mga taong hindi sumunod sa utos ni Heneral Luna ay si Kapitan Janolino, ang pinuno ng Kawit, Cavite. Hindi niya sinunod ang utos ni Heneral Luna sapagkat hindi naman daw ito galling kay Pangulong Emilio Aguinaldo. Dahil dito, pinuntahan niya si Kapitan Janolino at tinakot na ito ay papatayin ayon sa nakalahad sa Artikulo Uno. Dahil dito, lagi na niyang ginamit ang Artikulo Uno para maging panakot sa mga hindi susunod sa kanyang utos. Ito ang dahilan kung bakit siya tinatawag na Heneral Artikulo Uno. Siya ay nagtipon ng 4,000 tao sa pamamagitan ng pagtakot sa kanila gamit ang Artikulo Uno nanagsasabing ang hindi sumunod sa utos ng heneral ay papatayin at wala ng pagsubok sa hukuman. Dahil dito, maraming tao ang nagalit at natakot sa kanya. Nagsumbong din ang pinuno ng Kawit, Cavite kay Pangulong Emilio Aguinaldo dahil sa ginawa ni Heneral Luna. Nang magkaroon ng ikalawang cabinet meetingang mga opisyales, ipinakulong ni Heneral Luna si Felipe Buencamino at Pedro Paterno dahil sila ay hindi sang-ayon sa mga ginagawa ni Heneral Luna at sila rin ay ilan sa mga taong pinaniniwalaang ang Amerika ay makatutulong upang tumaas ang ekonomiya ng Pilipinas

hope its help

^-^

Salamat sa pagbisita. Ang aming layunin ay magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong pangangailangan sa impormasyon. Bumalik kaagad. Salamat sa pagpunta. Nagsusumikap kaming magbigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Kita tayo muli sa susunod. Imhr.ca, ang iyong pinagkakatiwalaang tagasagot. Huwag kalimutang bumalik para sa karagdagang impormasyon.