Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na solusyon para sa mga naghahanap ng mabilis at tumpak na mga sagot sa kanilang mga katanungan. Tuklasin ang libu-libong tanong at sagot mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na platform. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal.

Ano ang pagkakaiba ng salawikain sa sawikain?

Sagot :

Answer:

Ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay ng magagandang aral at gabay sa pamumuhay, sa asal, at sa pakikipagkapwa. ng tao. Ito ay isang tuntunin o kautusang kinilala at pinatibay ng karanasan. Ito rin ay nag-uugnay lalong-lalo na sa mga bagay at kapakanang maaaring mangyari o may kahalagahan sa buhay.

Samantalang ang sawikain o idiyoma ay mga salitang patalinhagang karaniwang ginagamit sa araw-araw. Ito ay nagbibigay ng di-tiyak na kahulugan ng salitang isinasaad nito.  

MGA HALIMBAWA NG SALAWIKAIN:

  1. Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.  
  2. Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.  
  3. Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa .
  4. Kung ano ang puno, siya ang bunga .
  5. Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin .
  6. Ang mabigat ay gumagaan kapag nagtutulungan.
  7. Ang taong walang kibo ay nasa loob ang kulo.
  8. Kung may tinanim, may aanihin.
  9. Ano man ang iyong gagawin, makapitong beses dapat iisipin.
  10. Sala sa lamig, sala sa init.
  11. Ang tunay na kaibigan, makikilala sa oras ng kagipitan.
  12. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.

MGA HALIMBAWA NG SAWIKAIN:

  1. Anak-dalita - mahirap
  2. Bukal sa loob - mabait
  3. Usad-pagong - mabagal  
  4. Mahigpit na pamamalakad -- malupit
  5. Hinahabol ng karayom – may sira ang damit  
  6. Parehong kaliwa ang paa – hindi marunong sumayaw
  7. Tulain mo na lamang – hindi magaling umawit  
  8. Parang suman – masikip ang damit  
  9. Basang sisiw – kaawa-awa
  10. Batang-isip - walang muwang  
  11. Huling baraha – natitirang pag-asa
  12. Huling hantungang - libingan

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa mga link na:

Pagkakaiba ng Salawikain, Sawikain at Kasabihan: brainly.ph/question/12284

#BetterWithBrainly

Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Sana'y naging kapaki-pakinabang ang mga sagot na iyong natagpuan. Huwag mag-atubiling bumalik para sa karagdagang impormasyon. Salamat sa pagpili sa aming plataporma. Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami. Ang iyong mga katanungan ay mahalaga sa amin. Balik-balikan ang Imhr.ca para sa higit pang mga sagot.