Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto. Kumuha ng mga sagot na kailangan mo nang mabilis at eksakto mula sa dedikadong komunidad ng mga eksperto sa aming platform. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.

maglahad nang paghahambing at pagtutulad sa katangiang pisikal ng hilagang asya at kanlurang asya ng timog asya at silangang asya at ng mainland southeast asia at insular southeast asia

Sagot :


          Ang kontinente ng Aysa ay halos magkatulad sa mga tampok na anyong-lupa at tubig. May pagkakahawig din ito sa mga deposito ng yamang mineral ngunit, nagkakaiba ito sa temperatura, lokasyon at panahon. Sa katangiang pisikal ay halos magkakatulad ang bawat kontinente, ngunit sa sukat, bilang ng populasyon, kaugalian, kultura’t tradisyon, ito ay magkakaiba.   Ang ilang mga disyerto, baybay-gilid, at mga kabundukan sa iba’t ibang bahagi ng Asya ay nagtataglay ng samu’t-saring yamang mineral - mga metaliko, di-metaliko, at gas. Sa mga bundok at gubat ay nakukuha ang mga bungang kahoy, mga herbal na gamot, at mga hilaw na materyales, bukod sa panirahan ng mga hayop, lalo na ng wildlife. Binubungkal, sinasaka at nililinang ng tao ang mga kapatagan at mga lambak para sa mga pananim, ang mga damuhan at mga burol ay ginagawang pastulan. Ang paggamit ng tao sa ibat’ibang uri ng anyong lupa ay nakapag-ambag sa paghubog ng kanyang uri ng pamumuhay at ng kabihasnan.
         Ang kontinente ng Asya ay halos napapaligiran ng mga karagatan at mga dagat.